PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Restaurant promo vs. 20% senior/PWD discount: Which applies?

Can seniors and PWDs get the 20% discount on promo meals?
by Bernie V. Franco
Published 1 Hour ago
old people eating
Senior citizens and persons with disabilities are entitled to a 20% discount when dining at restaurants and fast-food establishments. Find out the penalties imposed on violators of the Expanded Senior Citizens Act (Republic Act No. 9994) and the Magna Carta for Persons with Disability (Republic Act No. 10754).
PHOTO/S: Canva

Hindi na ba puwedeng i-avail ng senior citizen o Person With Disability (PWD) ang mandated 20-percent discount kapag naka-promo ang in-order na pagkain mula sa isang food establishment?

Legal bang maglagay ng maximum orders para sa senior citizens kapag kumain sa restaurant?

Alamin ang kasagutan sa mga tanong batay sa paliwanag ng mga respetado at kilalang abogado sa bansa.

Read: DTI: “No Video, No Refund” policy of sellers is illegal

RESTAURANT PROMO VS. SENIOR/PWD DISCOUNT

Tinalakay ni Atty. Gino Arceo ang tanong tungkol sa restaurant promo versus senior citizen/PWD discount sa kanyang viral video noong November 2025.

Si Atty. Arceo, ayon sa kanyang Facebook account, ay graduate ng Public Administration degree mula sa University of the Philippines at nagtapos ng law mula sa Ateneo de Manila University.

Siya ay Top 4 sa 2015 Bar Exams.

Sa kanyang post, binasa ng abogado ang message ng isang sender na kumain sa restaurant kasama ang kanyang mga magulang na parehong senior citizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong magbabayad na, humingi raw sila ng discount para sa dalawang senior citizens, pero tumanggi umano ang manager.

“Ang sabi ng manager, wala na raw, kasi promo na daw ang menu,” lahad ni Atty. Arceo.

Tama ba ito? Hindi.

Paliwanag ni Atty. Arceo, nakasaad sa Implementing Rules and Regulations ng Republic Act (R.A.) Nos. 9994 at 10754 na may karapatang pumili ang senior citizen at PWD kung ano ang mas mataas sa pagitan ng promo discount at standard 20-percent discount.

Ang R.A. 9994 ay kilala rin bilang Expanded Senior Citizen Act, habang ang R.A.10754 ay An Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons With Disability.

Sa madaling salita, makakapili ang senior/PWD kung ang ia-avail ay promo discount o ang mandated 20-percent discount, depende kung ano ang mas malaki.

Pero babala ng abogado, “… madalas maraming establishment na kunwaring naka-promo daw upang makaiwas magbigay ng senior at PWD discount.”

Ang halimbawa ni Atty. Arceo ay isang order ng pansit na worth PHP100. Sa 20-percent discount, magbabayad na lamang ang senior/PWD ng PHP80.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero puwedeng palabasin ng restaurant na ang presyo ng pansit ay PHP200, at dahil naka-promo sila ng 50% off, PHP100 na lang ang babayaran ng senior o PWD.”

Sa sitwasyong ito, paano malalaman kung lehitimo ang ino-offer na promo ng establishment.

Sabi ni Atty. Arceo, ang mga promo ay kailangang mayroong DTI Fair Trade Permit dahil nakasaad ito sa Consumer Act of the Philippines.

Kailangan kasing mag-secure ng permit o authorization ng establishment mula sa DTI para magkabisa ang promo tulad ng discounts, raffles, at contests.

Balik sa tanong kung hindi na ba ibibigay ang 20-percent discount kapag nag-avail ng promo discount, ang sabi ng abogado: “Kung may DTI permit ang promo at nagkataon na mas mataas iyon kesa sa standard 20-percent senior discount, tama lang na hindi na ibigay ang senior discount.

“Pero kung walang DTI permit ang promo, obligado pa ring ibigay ng restaurant ang standard 20-percent discount…”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sakaling tumanggi ang establishment, puwede itong ireklamo sa Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) ng local or city government o sa DTI.

Paalala ng abogado: “Intensiyon ng batas na magbigay ng 20% discount sa seniors at PWD mula sa totoo at rasonableng presyo ng mga products at services, at hindi puwedeng dayain ng mga kunwaring promo prize para makaiwas sa 20% discount.”

Read: Tips: Step-by-step online guide application for Taxpayer Identification Number

ON putting LIMIT to orders of SENIOR citizens

Kaugnay ng isyung ito, ipinagbabawal din ang pagse-set ng limit o paglalagay ng maximum orders para sa senior citizens kapag kumain sila sa food establishments, gaya ng fast-food outlets at restaurants.

Tinalakay ito ng Akbayan Party-list representative na si Atty. Chel Diokno sa kanyang December 2023 video.

Sinagot niya ang isyu tungkol sa pagpapatupad umano ng sariling policies ng mga establisimiyento, tulad ng paglalagay ng maximum orders at maximum discount sa senior citizens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng kongresista, bawal ang paglalagay ng limit sa senior citizen discount.

Diin niya, entitled ang senior citizen hindi lamang sa 20-percent discount, kundi pati na rin sa VAT exemption sa food, drinks, at iba pang consumable items.

Ibig sabihin nito, gaano man karami ang nais i-order ng isang senior citizen ay pinapayagan ito, at entitled lahat ng orders sa 20-percent discount at VAT exemption.

Samantala, nakasaad din sa R.A. 10754 ang exemption nila sa VAT ang PWDs.

Kapag hindi senior citizen ang kasama ng matanda, ipinapayo na ihiwalay ang pagpoproseso ng orders nila.

Inisa-isa ni Atty. Diokno ang mga paglabag sa Senior Citizens Act:

  • Paglalagay ng limit sa maximum amount ng food purchase na bibigyan ng 20-percent discount at VAT exemption;
  • Pagtanggi na kilalanin ang discount at VAT exemption sa take-out, take-home, o drive-thru orders;
  • Pagtanggi na i-grant ang discount at vat exemption sa delivery orders

Kapag may paglabag, puwede itong ireklamo sa OSCA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag napatunayang may violation, puwedeng pagbayarin ng PHP50,000-PHP100,000 multa at pagkakakulong ng 1-6 years sa unang offense.

Sa mga susunod na violations, may multang PHP100,000-PHP200,000 at pagkakakulong ng 2-6 years.

Ayon pa kay Atty. Chel: Atty. Chel Diokno: "Kung ang offender ay korporasyon, partnership, or organization, ang officials nitong directly involved sa violation tulad ng president, general manager, maging partner, o iba pang may responsibilidad sa management ng business ang magiging liable. "

Puwede ring ipa-cancel o i-revoke ang business permit to operate ng negosyo.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senior citizens and persons with disabilities are entitled to a 20% discount when dining at restaurants and fast-food establishments. Find out the penalties imposed on violators of the Expanded Senior Citizens Act (Republic Act No. 9994) and the Magna Carta for Persons with Disability (Republic Act No. 10754).
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results