Hindi na kailangang bumiyahe at manghula kung dumating na ba ang abogado para magpanotaryo ng dokumento.
Dahil sinisimulan na ng Supreme Court ang electronic notarization o eNotarization.
Ibig sabihin, puwede nang magpanotaryo ng dokumento kahit nasaan ka basta’t may internet at gadget.
Say goodbye to hassle—bukod sa pamasahe at biyahe—kapag nagsadya sa notary public offices. Malas pa kung hindi madadatnan ang nagnonotaryo.
Inanunsiyo ng Supreme Court ang eNotarization via website nito noong August 10, 2026.
Ang pagnonotaryo ay ang pag-o-authenticate ng legal documents at sinumpaan, pati na rin pagve-verify ng identities ng taong lumagda sa kontrata o affidavit, ayon sa Arceo & Tandoc Law Firm website.
Nagpapanotaryo rin para sa affidavit of loss at mga deeds ng lupa at properties.
Read: Foreign tutor insults English skills of Filipina online teacher
DIFFERENCE BETWEEN NOTARIZATION AND ENOTARIZATION
Sa tradisyunal na pagpapanotaryo, papel ang gamit at ang magnonotaryo ay abogado sa kanyang jurisdiction.
Kailangang magpunta ang applicant o magpanotaryo at humarap sa notary public.
Sa eNotarization naman, hindi na papel kundi Public Display Format (PDF) file at Public Display Format Archival (PDF/A) ang dokumento.
Ang magnonotaryo ay pwedeng gawin ng sinumang electronic notary public (ENP) na accredited ng Supreme Court.
Puwede itong gawin nang pisikal o virtual.
Sa website at social media accounts ng SC, may tatlong accredited electronic notarization facility (ENF), ito ay ang mga sumusunod: Ohelio, Inc.'s Twala, Quanby Solutions, Inc.'s QLegal, at UNAWA, Inc's NotarizeIT.
Mayroong security measures ang eNotarization gaya ng liveness detection para matiyak na real time ang pag-uusap ng principal at magnonotaryo.
Digital din ang pagpirma.
Magkano ang eNotarization?
Ayon sa Twala, ang halaga ng babayaran sa eNotarization ay hindi nalalayo sa presyo kapag nagpanotaryo nang pisikal.
Ang dagdag rito ay mababawi sa babayarang pamasahe kung ito ay pisikal.
Sa ulat ng ABS-CBN News, binanggit na ang pagpapanotaryo ay puwedeng physically present, remote, o kombinasyon ng dalawa.
Naka-disable sa sistema ng ENPs ang virtual private networks o VPN, kaya’t malalaman kung nasaan ang kinaroroonan ng nagpapanotaryo.
“Yun ang kagandahan ng sistema na ito kasi may record ng lahat ng iyon: mula ng pag-set ng appointment, yung pag-video nila, yung interaction nila, at yung pag-sign and notarize. Lahat iyon, naka-document doon sa audit trail of electronically notarized document," ani Attorney Third Bagro, co-founder at general counsel ng Twala.

STEP BY STEP application for enotarization
Nakalista sa SC website ang step-by-step instructions para sa eNotarization Portal:
- Mag-sign up o mag-sign in sa Philippine Judiciary Platform (PJP) account. (Click here.)
- Para mag-create ng PJP account, panoorin ang instruction video.
- I-access ang eNotraization Portal mula sa list ng online applications ng SC sa PJP. (Basahin ang navigation guide paggamit ng PJP portal.)
- Kumpletuhin at isumite ang application.
- Hintayin ang resulta ng iyong application. Makakatanggap ng updates sa iyong application via portal.
Para sa iba pang detalye, maaaring bumisita sa SC website.
Read: Restaurant promo vs. 20% senior/PWD discount: Which applies?
