Maraming features at functions ang Unified PWD ID na inilabas ng National Council on Disability Affairs (NCDA).
Una, wala na itong expiration kaya hindi na kailangang magpa-renew taun-taon.
Pangalawa, mas mabilis mave-verify ang kanilang identities kaya mas madaling masupil ang pagkalat ng fake PWD IDs.
Ipinaliwanag ito ni Attorney Chel Dioko via short video na ipinost sa kanyang social media accounts.
Sa pamamagitan kasi nito, integrated na ang records ng iba’t ibang local government units sa iisang database.
Gagamitan na rin ng QR code para sa mabilis na verification.
Dahil sa QR code, madali nang ma-scan ang ID kaya't di na kailangan ang mano-manong pag-fill out ng form kapag sasakay ang PWD sa MRT o LRT o kaya kapag pupunta sa product at service establishments.
Ang ID ay may physical at digital format.
Read: Free rhinoplasty or blepharoplasty: What patients should know
UNIFIED PWD IDS FOR APPARENT AND NON-APPARENT DISABILITIES
Sabi pa ni Atty. Diokno, may bagong rule na, “If permanente ang inyong kapansanan, valid for life na ang PWD ID.”
Pero ang saklaw nito ay apparent disabilities o kapansanang makikita sa panlabas na anyo.
Halimbawa rito ang kapansanan sa paningin (blindness) at kapansanang pisikal (gumagamit ng wheelchair, saklay, prosthetics, amputasyon, cerebral palsy).
Pagdating naman sa non-apparent disabilities, kailangan ang revalidation ng kanilang ID kada limang taon.
Sa non-apparent disability, mga kondisyong hindi nakikita o hindi halata, pero may epekto sa buhay, ayon sa NCDA website.
Kabilang dito ang learning and intellectual disability, mental disability, psychosocial disability, rare disease.
new id system TO stop PROLIFERATION OF FAKE PWD IDS
“Ito pong system na ito ay isa pong intervention para po sa proliferation ng mga fake IDs,” paliwanag ni Randy Calsena, NCDA regional program coordinator, sa report ng PIA-Abra Information Office Facebook page.
Dagdag niya: “With the system, madali po ang verification ng ating mga IDs na inisyu po with Persons With Disabilities.
“So, may QR code lang po, makikita na po yung pangalan saka po yung ID number, plus the picture.”
Ayon sa NCDA website, ang ID "will be issued digitally and include a QR code for easy validation of privileges and benefits under existing laws.”
Gayunpaman, sinabi rin ng NCDA na maaaring i-print ng LGUs (LGU) ang digital ID kung kailangan o ni-request.
Ang LGUs mismo ang responsable para sa aplikasyon, approval, at pag-i-isyu ng physical Unified ID.
Ibig sabihin, para sa mga nagnanais makakuha ng ID, magtungo lamang sa munisipyo at sadyain ang Persons with Disability Affairs Office o kaya sa Social Welfare offices.
Ang mga nasa malalayong lugar ay maaaring magpalista via mobile registration na isinasagawa ng LGUs.
Patuloy namang iho-honor ang lumang PWD IDs hanggang sa makakuha na ng bagong ID ang ID holder.
Read: How does an accused person end up on the Top 10 Most Wanted list?
