PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Godzilla" El Nino may lead to 6,500 deaths in the Philippines

World Meteorological Organization (WMO) on the upcoming El Nino: "Super sized."
by Bernie V. Franco
Published 3 hours ago
El Nino
Inilarawan ang parating na El Niño simula October 2026 bilang "Godzilla," "off the charts," at pinakamatindi sa kasaysayan. May forecast ang Climate Change Commission na libu-libo ang posibeng masawi sa Pilipinas.
PHOTO/S: Canva

Posibleng magkaroon ng hanggang 6,500 heat-related deaths hanggang sa unang bahagi ng 2027 dahil sa El Niño.

Ito ang forecast na binanggit ni Commissioner Albert Dela Cruz ng Climate Change Commission (CCC).

“It is considered to be a science-based study, at meron siyang negative (-), positive (+) 400 sa 6,500 fatalities,” ani Dela Cruz sa panayam ng One Balita Pilipinas nitong September 25, 2026.

“This is being projected sa ating mga vulnerable sectors, most especially sa mga elderly, saka yung mga young children, especially yung mga nasa school.”

Dagdag ni Dela Cruz, partikular na maaapektuhan ang mga nasa city islands o urban areas na magkakaroon ng mataas na heat index.

Nakipag-ugnayan na raw ang CCC sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para makapaghanda sa very strong Super El Niño.

Read: Fare hike in PUVs to take effect on Monday

How to stay safe during super El Niño

Nagbigay ng recommendations si Dela Cruz bilang preventive measures sa mainit na panahon dahil sa El Niño.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Importante raw na i-manage ang oras ng paglabas simula October 2026, lalo na pagsapit ng December 2026 hanggang January 2027.

Labor workers

Umapela si Dela Cruz sa iba’t ibang corporations na engaged sa labor at agricultural sector na i-manage ang oras ng pagtatrabaho, lalo sa mula 11:00 A.M. hanggang 3:00 P.M.

Isinusulong din ng CCC ang resolusyon na ang construction work ay magsisimula mula 6:00 A.M. hanggang 11:00 A.M., susundan ito ng breaktime, at itutuloy mula 3:30 P.M. hanggang 7:00 P.M.

“That way, we will be avoiding fatalities sa ating labor sector, agricultural sector…”

Nagsimula na rin daw silang makipag-ugnayan sa iba’t ibang chambers para sa dissemination of information.

“We are appealing to the whole community, to the whole nation, na makipag-cooperate kapag nagpalabas po ang ating pamahalaan ng mga datos, polisiya. Kailangan sundin natin ito.”

Students

Nag-propose din si Dela Cruz na i-adjust ang oras sa klase sa mga paaralan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mungkahi niya, magkaroon ng shifting ng schedule para maiwasan ang 10:00 A.M.-3:00 P.M.

“Tignan natin kung maaaring 6:00 A.M.-10:00 A.M. ang school.

“After that magkaroon ng hybrid, magkaroon ng online...

“But we need really to avoid the hours between 11:00 A.M. -3:00 P.M., because it will be fatal for our students."

Senior citizens

Nagpaalala rin si Dela Cruz sa mga senior citizens.

"...kailangan po nasa bahay lang tayo. We need to hydrate and we need to maintain yung ating resiliency sa ating health.

“We need to exercise… avoid sunlight from 10:00 A.M.-3:00 PM."

Read: Unified PWD IDs to have QR codes, no expiration date

MORE RECOMMENDATIONS

Gumawa na rin daw ng mga hakbang ang CCC para mabawasan ang init.

Sinimulan na ang pagtatanim ng mga bamboo o kawayan sa Roxas Boulevard at sa mga main thoroughfares, bagama’t kulang pa ang mga ito.

Paliwanag ni Dela Cruz, ina-absorb kasi ng mga halaman ang init, kaya ang mensahe niya sa publiko: magtanim ng mga halaman sa palibot sa bahay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kailangan din daw magkaroon ng maraming cooling stations sa common at public areas

Nagmungkahi naman ang CCC sa Local Government Units (LGU) na magtayo ng hydrating stations at libreng tubig sa mga paaralan at public areas.

Ang rekomendasyon naman sa Red Cross at Department of Health (DOH) ay mag-assign ng medics sa mga pampublikong lugar.

Ani Dela Cruz, ang mga ito ay ilan lang sa “mitigation measures to avoid fatalities.”

INCREASE IN NORMAL TEMPERATURE

Binanggit ni Dela Cruz na magkakaroon ng 1.2-degree Celsius na above normal temperature sa El Niño.

“Ito yung tinatawag nating record-breaking scenario sa ating heat index brought about by these abnormalities brought about by climate change.”

Inaasahang mangyayari ang pinaka-peak ng malakas na El Niño sa January 2027 at maaari raw tumagal hanggang summer ng 2027.

Kelan dapat mabahala? Inihalintulad niya ang sitwasyon sa pagkakaroon ng lagnat.

“Pag 36.5 [-degree Celsius], walang lagnat. Pero kapag ang 36.5 pumalo ng 37, technically, may lagnat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag ang 36.5 plus1.5, ito ay nasa 38 [-degree Celsius], ibig sabihin mataas na lagnat.

“Ganoon din ang mundo, and because of that, mayroon siyang impact, domino effect…

“Sa urban heat index, ang 1.2-degree centigrade na pag-init, may domino effect. Magre-reflect ang sunlight at heat sa urban jungle.

"Kapag walang halaman, ang mag-a-absorb ng init ay ang tao.”

Dito rin daw sa mga siyudad aasahan ang mataas na fatalities mula Enero hanggang Hunyo 2027.

Ayon sa commissioner, may national adaptation plan na para sa very strong El Niño at aprubado na raw ito ng Pangulo.

“We are now laymanizing and localizing under the local adaptation plan,” ani Dela Cruz.

SUPER EL NINO

Ang El Niño ay tumutukoy sa pag-init ng surface ng tubig sa Pacific Ocean bandang Central America.

Kapag ang temperatura ng tubig ay tumaas ng 1.8-degree Celsius, umiinit ang ilalim ng dagat.

Kasunod nito, mas tumitindi ang init at bagyo sa iba't ibang lugar sa mundo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang El Niño ngayon ay inilarawan ng World Meteorological Organization (WMO) bilang "super sized," at posibleng "stronger than anything since our monitoring began."

Sa mga artikulo, tinatawag nga itong "Godzilla" at "off the charts" kumpara sa mga nangyaring super El Niño sa mga nakalipas na panahon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilarawan ang parating na El Niño simula October 2026 bilang "Godzilla," "off the charts," at pinakamatindi sa kasaysayan. May forecast ang Climate Change Commission na libu-libo ang posibeng masawi sa Pilipinas.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results