PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Financial aid, benefits under Expanded Solo Parents Welfare Act

For qualified solo parents, learn how to secure Solo Parent ID.
by Bernie V. Franco
Published 8 hours ago
mother and son silhouette
If you are a solo parent struggling to raise your kids, you can get financial assistance and other benefits via the Expanded Solo Parents Welfare Act o R.A. 11861. Here's what you need to know.
PHOTO/S: Canva

Kung ikaw ay single o solo parent na nangangailangan ng suporta sa pangangalaga ng iyong anak, may batas na maaaring makatulong sa iyo.

Ito ang Expanded Solo Parents Welfare Act o R.A. 11861.

Naka-focus ito sa primary rights at duties ng solo parent gaya ng pagbibigay ng basic needs ng anak at pagpo-provide ng social service at welfare benefits.

Bukod sa financial aid, mayroong mga benepisyo at serbisyong puwedeng i-avail.

Read: Will Christmas be cool amid a super El Nino?

SOLO PARENT ACT BENEFITS

Sa video ni Atty. Chel Diokno, idinetalye ang mga benepisyong makukuha ng qualified solo parent.

  • Seven-day parental leave
  • Prayoridad sa scholarships, livelihood training, poverty alleviation programs, at low-cost housing projects
  • PhilHealth coverage
  • Social Protection Services, tulad ng livelihood development at counseling
  • Social Safety Assistance gaya ng pagkain, gamot, at financial aid sa panahon ng sakuna, kalamidad, at pandemya

Para sa kumikita ng minimum wage o below—roughly PHP250K per year—narito ang financial aid:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
  • Monthly cash subsidy na PHP1,000
  • 10% discount at VAT exemption sa mga produktong gaya ng gatas, food, diapers, medicines, and supplements ng anak

QUALIFICATIONS FOR SOLO PARENTS

Anu-ano ang kwalipikasyon ng mga solo parents na magbe-benefit sa R.A. 11861?

Inisa-isa ang mga ito sa separate video ni Atty. Diokno:

  • Solo parent na mag-isang nag-aalaga at sumusuporta sa anak dahil ang asawa ay pumanaw, nakulong ng at least three months, may pisikal o mental incapacity, hiwalay o inabandona for at least six months, o napawalang-bisa ang kasal;
  • Isang asawa o pamilya ng OFW na nag-aalaga ng anak, at ang OFW ay itinuturing na low- o semi-skilled worker at nasa abroad na sa loob ng isang taon;
  • Di kasal na nanay o tatay ng solong nag-aalaga sa anak;
  • Kahit sinong legal guardian, adoptive o foster parent na mag-isang nag-aalaga ng bata;
  • Sinumang kamag-anak within the 4th civil degree ng magulang o legal guardian na nagsisilbing tagapag-alaga ng bata dahil wala na itong magulang;
  • Isang babaeng buntis na mag-isang sumusuporta sa batang nasa sinapupunan.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW TO get a solo parent id to AVAIL OF THE BENEFITS

Upang ma-avail ng solo parent ang mga serbisyong ito, kailangan niyang magkaroon ng Solo Parent ID.

Magtungo sa Solo Parent Office (SPO) ng city government o Solo Parent Division (SPD) sa mga munisipyo para malaman ang requirements.

Paalala rin na nag-iiba-iba ang requirements depende sa kategorya ng pagiging solo parent.

Ilan sa mga general requirements ay ang mga sumusunod:

  • Certification of residency sa barangay sa nakalipas na six months;
  • Birth certificates ng mga anak, death certificate ng kabiyak, at iba pang “appropriate documentary support”;
  • Income tax return or anumang dokumento na magpapatunay ng income level

PROCESS OF APPLICATION

Idinetalye naman ng lawyer at digital creator na si Atty. MaiMai sa kanyang video ang proseso ng application.

  • Mag-fill out ng solo parent application form;
  • Sumailalim sa assessment and interview ng social worker para malaman ang iyong category;
  • Magsumite ng documents para patunayan ang pagiging solo parent;
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

May mga pagkakataon din daw na hinihingi ang sinumpaang salaysay, kung saan pinapadetalye kung paano naging solo parent ang applicant.

Nire-require din ang magulang na um-attend ng solo parent orientation seminar.

Read: Unified PWD IDs to have QR codes, no expiration date

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
If you are a solo parent struggling to raise your kids, you can get financial assistance and other benefits via the Expanded Solo Parents Welfare Act o R.A. 11861. Here's what you need to know.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results