PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SSS members with salary credits up to PHP10K to get PHP8K aid

Are you are qualified for the SSS UPLIFT assistance program?
by KC Cordero
Published 13 hours ago
SSS UPLIFT
Mas pinalawak ng Social Security System ang coverage ng programang UPLIFT Assistance ng Department of Social Welfare and Development. Sakop na nito ang mga miyembrong may PHP10,000 o mas mababa pang monthly salary.
PHOTO/S: SSS

Makakatanggap ang mga kwalipikadong Social Security System (SSS) members ng hanggang PHP8,000 financial assistance sa ilalim ng expanded coverage ng programang United Package for Livelihood, Industry, Food and Transport o UPLIFT Assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang dito ang eligible workers sa National Capital Region (NCR).

Iniulat ito ng SSS sa official website nito last October 28, 2026.

Read: LIST: Four Pampanga food spots in the 2027 MICHELIN Guide

Ipinaliwanag ng SSS na ang naturang payout para sa mga miyembrong may Monthly Salary Credit (MSC) na PHP10,000 o mas mababa pa ay sinimulan na noong October 30.

Ang MSC ay basehan ng SSS para ma-compute ang contribution o benefit ng member. Hindi ito yung suweldo.

Layon nitong mapagkalooban ng karagdagang tulong pinansiyal ang mga kwalipikadong miyembro na mababa ang sahod.

Ang pamimigay ay apat (4) na tranches na nagkakahalaga ng PHP2,000 bawat isa.

Direktang ipapasok ang amount sa registered SSS disbursement accounts ng miyembro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang UPLIFT Assistance ay mas pinalawak para maabutan ng tulong ang mas maraming SSS qualified members—partikular ang mga nasa lower salary credit bracket.

Matatandaang una nang nagpatupad ang ahensiya ng katulad na programa, pero ang nasakop lang nito ay ang mga miyembrong may MSC na hanggang PHP20,000.

SSS
Dapat tiyakin ng SSS members kung eligible sila sa UPLIFT Assistance para maka-avail ng tulong pinansiyal mula sa DSWD.
Photo/s: SSS
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW TO QUALIFY FOR UPLIFT ASSISTANCE

Paglilinaw naman ng SSS, hindi lahat ng miyembrong may MSC na PHP10,000 o mas mababa pa ay awtomatikong eligible sa UPLIFT Assistance.

Para mag-qualify, dapat na nakapaghulog na ng “at least one SSS contribution in 2025 or 2026.”

Dapat na kabilang sila sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) database ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kailangan ding naka-enroll ang kanilang disbursement accounts sa SSS Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) sa loob ng itinakdang panahon.

Pinapayuhan ng SSS ang mga miyembro na i-check ang kanilang My.SSS accounts para sa official notifications kaugnay ng kanilang eligibility.

Read: Bigger retirement savings? Department of Finance eyes improvements to PERA program

QUALIFIED SSS MEMBERS TO START RECEIVING PAYOUT ON NOVEMBER 6

Ibinahagi rin ng ahensiya na ang qualified SSS members na may MSC na PHP20,000 ay nakatakdang matanggap ang kanilang ikatlo at ikaapat na tranches of assistance na may kabuuang PHP4,000 nitong November 6.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Para naman sa mga benepisyaryo na hindi pa nakatatanggap ng anumang UPLIFT assistance, makukuha nila ang buong PHP8,000 para sa apat na tranches.

Ang mga nakatanggap na ng naunang dalawang tranches na nagkakahalaga ng PHP4,000 ay makukuha na rin ang nalalabi pang PHP4,000.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mas pinalawak ng Social Security System ang coverage ng programang UPLIFT Assistance ng Department of Social Welfare and Development. Sakop na nito ang mga miyembrong may PHP10,000 o mas mababa pang monthly salary.
PHOTO/S: SSS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results