Simula September 11, 2025, iisang hotline number na lamang ang kailangang tawagan sa oras ng emergency—ang 911.
Ang Unified 911 ang papalit sa tinatayang 30 local emergency numbers, ayon sa post ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Facebook noong September 5, 2025.
Ito ang numerong tatawagan kapag panahon ng emergency o kailangan ng pulis, medical, o disaster response, gaya ng sunog, baha, at iba pang kalamidad.
Sa pamamagitan ng Unified 911, magkakaroon ng integrated network na naka-link sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, and local governments.
“Unified 911 should not just be a hotline. It is a lifeline,” hayag ni DILG Secretary Jonvic Remulla.
“Every second matters, every call matters, every life matters. This is government fulfilling its promise that help will always be within reach.”
Libre ang tawag sa Unified 911 at bukas ito 24/7 sa kahit saang parte ng Pilipinas na may linya ng komunikasyon.
Dinisenyo ito para maging language-sensitive kaya’t makakaresponde kapag ang wika ng caller ay Tagalog, Cebuano, Ilocano, Waray, Tausug, at iba pang Philippine languages.
Binanggit sa post na ang target response ay five minutes at trained ang call takers para tiyakin sa callers na paparating na ang tulong.
“Unified 911 is the nation’s single number and the government’s single promise that when danger strikes, help will come,” ayon pa sa post.
Read: 2 boys saved after 24 hours under irrigation cave in Tarlac
NETIZENS REACT
Samu’t sari ang reactions ng netizens dito.
May mga natuwa sa anila’y magandang balitang ito.
Ang sabi ng isang taga-Bicol: “Nasubok na nag 911 dito sa BICOL sa amin nagka-emergency at mabilis ang response sa amin.”
Komento ng isang female netizen: “Very reassuring kasi hindi na malilito ang mga tao.”


Ang iba naman, naghahangad na maging consistent ang programang ito sa pagresponde sa panahon ng emergencies.
“Sana maging consistent ang bilis ng response kahit saan,” saad ng isang netizen.
“Sana mabilis ang response time,” sabi ng isa pa.
“Sana i-promote din sa mga bata para alam nila gamitin,” post ng isa pa.


May isang kritiko at nanigurong hindi ito joke.
Paliwanag ng netizen, “Australia has had nationwide emergency number since the 80s. Always be free.”

Gnagamit ang 911 bilang emergency hotline sa iba pang bansa tulad ng United States of America at Canada.
Maraming netizens ang nagtanong kung libre raw ba kapag tumawag sa hotline gamit ang kanilang cellphones.
Dahil dito, gumawa ng separate posts ang DILG para linawing libre pagtawag sa hotline.


Read: Seniors no longer need purchase booklets in drugstores
