PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bagong Pilipinas Campaign Launched, No Logo Cost

PCO ang nagdisenyo ng logo
by KC Cordero
Published Jul 17, 2023
The new campaign logo
Ang “Bagong Pilipinas” ang magiging brand of governance and leadership campaign ng kasalukuyang administrasyon. Ang Presidential Communications Office ang nagdisenyo ng logo, at walang ginastos ang gobyerno.

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang implementasyon ng bagong brand of governance and leadership campaign ng kasalukuyang administrasyon.

Sa tatlong pahinang memorandum circular na may petsang July 3, 2023, at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inaatasan ng Pangulo ang lahat ng national government agencies (NGAs) and instrumentalities, kabilang ang government-owned or controlled corporations (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs), na gamitin ang "Bagong Pilipinas" campaign sa kanilang mga programa, aktibidad, at proyekto.

Read: Challenge accepted: Filipinos redesign viral PAGCOR logo

Photo of PBBM

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaprubahan din ang “Bagong Pilipinas” logo.

Kaugnay sa kautusan ng Pangulo, ang implementasyon ng “Bagong Pilipinas” ay nananawagan para sa mas malalim at mahahalagang pagbabago sa lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan.

Isusulong din nito ang layunin ng pamahalaan na maisakatuparan ang mga komprehensibong reporma na ipapatupad, at ang tuluyang pagbangon ng ekonomiya.

Read: Security guard strangled and threw puppy, says owner; had clean record before incident, says security agency

Bahagi ng nilalaman ng memorandum: “All NGAs and instrumentalities, including GOCCs and SUCs, shall adopt the ‘Bagong Pilipinas’ logo and incorporate the same in their letterheads, websites, official social-media accounts, and other documents and instruments pertaining to flagship programs of the government.”

Ang “Bagong Pilipinas” campaign ang magsisilbing pangunahing tema ng kasalukuyang administrasyon.

Read: Conjoined twins Joy and Joyce Magsino graduate from elementary with honors

ANG KAHULUGAN NG BAGONG PILIPINAS LOGO

Ipinaliwanag naman ng Presidential Communications Office noong July 16 ang kahulugan ng logo ng Bagong Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon sa ahensya, naglalarawan ito ng iba’t ibang bahagdan ng pag-unlad ng Pilipinas.

Ang three red stripes ay sumisimbolo sa malalaking pagbabago sa ating kasaysayan: ang post-war agricultural and rural development; post-colonial period; at ang current metropolitan development.

Read: Sanggol na Filipino-American, bagong mukha ng Gerber food brand

The Bagong Pilipinas logo

Read: VIRAL: Foreign teens spit repeatedly at popular tourist spot in Bohol

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang dalawang blue stripes ay sumisimbolo sa layunin para sa kinabukasan—isang umuunlad na Pilipinas na gumagamit ng technological advancement para sa pangmatagalang industrial development.

Ang rising sun ay sumisimbolo sa pagsisimula ng bagong Pilipinas, at sa layuning maging nasa sentro ito ng global market and community ng mga bansa sa buong mundo.

Ang weave pattern ay nagpapakita ng ugnayan at pagkakaisa ng mga Pilipino, lalo pa’t ang layunin ng Bagong Pilipinas ay maaari lang makamit sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, pagtutulungan at nagkakaisang hangarin na umunlad.

Ang logo ay nilikha ng Presidential Communications Office at wala raw ginastos ang pamahalaan.

Read: Bettor napanaginipan ang winning combination sa SuperLotto 6/49

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang “Bagong Pilipinas” ang magiging brand of governance and leadership campaign ng kasalukuyang administrasyon. Ang Presidential Communications Office ang nagdisenyo ng logo, at walang ginastos ang gobyerno.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results