Ipinaalala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga kababayang kailangan ng travel clearance para sa minors traveling abroad (MTA) na mag-apply nang maaga bago ang kanilang nakatakdang foreign trips.
Dagsa kasi ang kumukuha ng MTA applications sa panahon ng Kapaskuhan.

Sa inilabas na statement ng DSWD ngayong November 19, 2025, sinabi ni Assistant Secretary Irene Dumlao na: “We are reminding parents and guardians to apply for the document ahead of the intended travel dates of their children.
“This is to prevent any inconvenience on the day of their departure for their travel abroad.”
Sinabi rin niyang ang ideal time para makakuha ng Travel Clearance Certificates (TCC) ay 30 days bago ang intended travel date para maiwasan ang pagkaantala ng processing.
Inaasahan na ng DSWD ang pagdami ng applications simula ngayong buwan na ito.
Read: Marikina City opens annual Christmas Shoe Bazaar
DSWD SAYS TRAVEL CLEARANCE CERTIFICATES PART OF ANTI-TRAFFICKING MEASURES
Ang probisyon ng TCC para sa minors na bibiyahe sa ibang bansa ay bahagi ng anti-trafficking measures ng pamahalaan para mapangalagaan ang mga menor-de-edad o mga wala pang 18 anyos na bibiyahe sa labas ng Pilipinas na hindi kasama ang alinman sa kanilang biological parents o kaya’y persons having parental responsibility or legal custody over the child.
Ang pagkakaloob ng travel clearance para sa minors ay naka-specify rin sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act o Republic Act No. 7610, at sa Philippine Passport Act of 1996.
Nagbibigay rin ang DSWD ng certificates of exemption (COE) sa ilang specific situations kung saan ang mga anak ay kasamang bibiyahe ng unmarried parent.
Pinagkakalooban din ng COE ang orphaned children na magta-travel kasama ang kanilang legal guardians.
Read: TikTok Shop sellers to be charged PHP5 order processing fee
DSWD EXPLAINS HOW TO GET TCC AND COE VIA ONLINE SYSTEM
Ang application para sa TCC at COE ay maaaring online at ginawang mas simple ng DSWD.
Ani Dumlao: “The online system allows anyone to lodge their application anywhere at their most convenient time, as long as they have online devices and web connection.”
Bahagi ng online system ang virtual meeting, kung saan ang parents, kanilang anak o mga anak, accompanying adult, if applicable, ay kakapanayamin ng DSWD social workers.
Ito ay para masigurado ang accuracy ng mga impormasyong inilagay sa online application.
Ang processing ng TCC at COE ay maaaring i-apply sa MTA Online System.
I-click lang ang link na ito: https://mta.dswd.gov.ph/.
Maaari rin sa eGov PH (e-Government Philippines) mobile application.
Ani Dumlao, naka-integrate ang online system ng DSWD sa eGov PH app para mabawasan ang gastos ng mga kukuha ng TCC at COE, at mas mapabilis ang proseso.
Read: 14 lechon stores in La Loma closed due to African swine fever
