Isa na namang Filipino word ang nakapasok sa Oxford English Dictionary.
Ito ay ang salitang "gigil," na may dalawang kahulugan para sa mga Pinoy.
Ang una ay ang panginginig o paggiling ng mga ngipin bilang reaksiyon sa isang nakaka-overwhelm na sitwasyon, kaya nasasambit ang, "Nanggigigil ako sa inis."
Ang pangalawa ay panggigigil, halimbawa sa isang cute baby, kaya nasasabi ang, "Nakakagigil! Ang sarap pisilin ng pisngi."
Sa Oxford English Dictionary, ganito ang naging kahulugan ng gigil bilang noun: “An intense feeling caused by anger, eagerness, or the pleasure of seeing someone or something cute or adorable, typically physically manifested by the tight clenching of hands, gritting of the teeth, trembling of the body, or the pinching or squeezing of the person or thing causing this emotion.”
Kapag adjective naman, ang definition ng Oxford ay: “Of a person: overwhelmed by an intense feeling caused by anger, eagerness, or the pleasure of seeing someone or something cute or adorable.”

Read: Tips para matanggal ang sebo sa plastic containers
MORE FILIPINO WORDS IN THE OXFORD DICTIONARY
Ang Oxford Dictionary ay isa sa pinakakomprehensibong diksiyunaryo sa English.
Ang unang version nito ay inilabas noong 1884 ng Oxford University Press, na publishing house ng pamosong University of Oxford sa England.
Tinatayang mayroon itong 600,000 words.
Ang mga salitang idinadagdag kada taon ay pinipili ng mga editors mula sa libu-libong suggestions galing sa iba’t ibang bahagi ng mundo at iba-ibang sources, kabilang na rito ang sariling research ng Oxford, gayundin ang crowdsourcing.
Ilan pa sa mga Tagalog words na nakapasok sa Oxford English Dictionary ay ang sumusunod:
- Bakya
- Bongga
- Bagoong
- Sala
- Sorbetes
- Toyo
- Trapo
- Turon
- Ube
