Binuksan na sa publiko ang licensing center ng Land Transportation Office (LTO) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong February 23, 2022.
Sa inilabas na pahayag ng Department of Transportation (DOTr) noong February 24, sinabi nitong tutulong ang bagong bukas na licensing center sa mga motoristang kukuha ng student permit, bagong driver’s license, at maging sa mga magre-renew ng kanilang lisensiya sa pamamagitan ng Land Transportation Management System (LTMS) portal.

Naririto ang lahat nang serbisyong kayang ipagkaloob ng LTO Licensing Center PITX:
- Assistance to Land Transportation Management System (LTMS) portal registration
- Issuance of student permits
- New driver’s license
- Renewal of driver’s licenses
- Miscellaneous Services
- Additional restriction code/DL codes
- Change classification from Non-Professional DL to Professional DL with same restriction code
- Change classification from Non-Professional DL to Professional DL, or Professional DL to Non-Professional DL.
Ayon sa opisyal na pahayag ng DOTr, “Layunin ng bagong proyektong ito na makapagbigay ng mas mabilis at maginhawang serbisyo sa pamamagitan ng pagtatayo ng LTO Licensing Center para sa ating mga pasahero sa PITX, mga kababayang overseas Filipino workers, at maging mga residente sa mga kalapit na siyudad kabilang ang Region 4-A.”
