Bilang senyales sa mga nais mag-donate ng dugo, inanunsiyo ng Makati Medical Center (MakatiMed) ang indicator kapag nangangailangan ang hospital ng blood donors.
Bubukas ang red lights na katabi mismo ng signage ng ospital sa taas ng building.
Ang MakatiMed ay nasa #2 Amorsolo Street, Legazpi Village, Makati, Metro Manila.
Post ng MakatiMed sa kanilang Facebook page, “When these red lights in front of MakatiMed are switched on, it means that the hospital is in need of blood.
“If you happen to see them, our doors are open for your gracious donation — and we will be forever grateful.
“Should you wish to donate blood, you may check our latest guidelines.”
Read:
- Woman found guilty of poisoning, murdering friend with eye drops
- Mother and daughter emotional after passing board exam together
Marami namang netizens ang natuwa sa update na ito ng MakatiMed.
Pabor sila sa red-light sign, lalo na kung emergency ang pangangailangan.
HOW TO be a blood donor
Sa mga nais mag-donate ng dugo sa MakatiMed Blood Bank, bukas sila ng 8:00 a.m. -10:00 p.m.
Para sa karagdagang impormasyon o assistance para sa mga possible donors, maaaring tumawag sa numerong (+632) 8888 8999 local 3016 o kaya ay mag-email sa blood.bank@makatimed.net.ph.
Required naman ang blood donors na magpakita ng isang valid ID with picture at sumailalim sa screening para malaman kung qualified silang mag-donate.
Sa Facebook page din ng MakatiMed ay naroon ang step-by-step process para sa mga nais mag-donate.
- Pumunta sa MakatiMed Blood Bank sa 2nd floor ng Tower 2
- Makinig sa pre-donation instructions
- I-fill out ang donor form at i-disclose ang health history
- Magpa-check ng weight, vital signs, medical history
- Magpa-collect ng blood sample para malaman ang iyong blood type at hemoglobin level
- Kung pumasa, maaari nang magpakuha ng blood sample na 450ml
