PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMDA to implement odd-even scheme during EDSA rebuild

It will start on June 16, 2025.
by KC Cordero
Published May 26, 2025
MMDA press conference
Ipapatupad ng MMDA ang odd-even scheme sa mga sasakyang nagdaraan sa EDSA simula June 16, 2025, para mapagaan ang daloy ng trapiko habang isinasagawa ang rebuild ng mahabang highway. (Photo: MMDA Facebook)

Magpapatupad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng odd-even scheme para mabawasan ang bilang ng sasakyang dumaraan sa Epifanio Delos Santos Avenue o mas kilala bilang EDSA.

Ito ay konektado sa two-year rehabilitation sa main access road ng EDSA kaya inaasahang sisikip ang trapiko.

MMDA HQ
MMDA Chair Romando Artes while explaining the odd-even scheme on EDSA Avenue. Photo: MMDA Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ginanap na press conference ngayong May 26, 2025, sa MMDA headquarters sa Pasig City, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na ang dry run para sa naturang odd-even scheme ay ipapatupad sa June 16.

Dahil dito, pagbabawalan ang mga sasakyang makadaan sa EDSA batay sa kanilang license plates.

And take note: Walang window hours.

Art card of odd-even scheme schedule

Ang magiging schedule ng odd-even scheme sa EDSA: Photo: MMDA Facebook
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mga sasakyang may license plates na nagtatapos sa 1, 3, 5, 7, at 9 ay bawal sa EDSA tuwing Monday, Wednesday, and Friday.

Ang mga nagtatapos naman sa 0, 2, 4, 6, and 8 ay pagbabawalan tuwing Tuesday, Thursday, and Saturday.

Read: Guadalupe Bridge rehab for 17 months: an explainer

ODD-EVEN SCHEME IN EDSA IS VALID FOR 24 HOURS; PROVINCIAL BUSES, TRUCKS NOT ALLOWED TO PASS

Ang odd-even scheme ay hindi ipapatupad tuwing Sunday.

Pero, ani Artes, “Sa ngayon, magiging 24 hours ang odd-even scheme.

“Pero tinitingnan naming gawin iyan limited sa window hours.”

Ang bahagi ng Skyway Stage 3 na tumatagos sa EDSA ay magiging toll-free habang isinasagawa ang EDSA rebuild para lalong mapagaan ang congestion.

Paliwanag ni Artes, “Yung implementation ng free toll sa Skyway, madi-distribute ang mga motorista.

“Yung mga bawal sa EDSA dahil sa odd-even scheme, puwede sa Skyway.”

Pagbabawalan naman ang mga provincial buses, trucks, at iba pang malalaking sasakyan na dumaan sa EDSA maliban sa window hours na 10:00 p.m. hanggang 5:00 a.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Artes na ito ay dahil magiging mas makipot ang lanes sa EDSA dahil sa construction.

Read: Health alert: Mpox cases on the rise in South Cotabato

MMDA TO CONDUCT DAILY CLEARING OPERATIONS

Para matiyak na maayos ang daloy ng trapiko sa EDSA, magsasagawa ang MMDA ng araw-araw na clearing operations sa Mabuhay Lanes o ang mga official alternative roads sa buong Metro Manila.

Tatanggalin ang mga sasakyang nakaparada at maging ang mga illegal terminals.

Sabi ni Artes: “Sa mga Mabuhay Lanes, araw-araw kaming manghuhuli.

“Hindi yung may clearing operations and then sa susunod na buwan na ulit.”

Ang clearing operations ay isasagawa na ng ahensiya sa susunod na linggo.

Read: It's now a law: Non-college grads can finally earn degrees!

MMDA PLANS TO REIMPLEMENT EXCLUSIVE MOTORCYCLE LANE SA EDSA

Plano rin ng MMDA na muling ipatupad ang exclusive motorcycle lane sa EDSA para mabawasan ang mga aksidente at ang pagsikip ng daloy ng trapiko dahil sa mga riders na maya’t-mayang nagpapalit ng lanes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabawalan din ang mga motorsiklo na dumaan sa mga overpass at underpass sa kahabaan ng EDSA.

Ang lahat ng traffic schemes ng MMDA ay suportado ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) matapos tanggalin ang temporary restraining order laban dito noong isang linggo.

Sa naturang press conference ay sinabi naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na ang preliminary works para sa EDSA rebuild ay magsisimula sa gabi ng June 13.

Ang rehabilitation ay gagawin nang per lane para ma-prioritize ang southbound and northbound portions ng Pasay to Guadalupe ngayong taon—bilang paghahanda para sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations dito sa Pilipinas sa 2026.

Inaasahang matatapos ang projekto sa 2027.


HUMOROUS REACTION NG MGA PINOY

Inaasahan nang ang mapaglarong isipan ng Pinoy ay lalabas at lalabas. Ito ang latest.

Traffic Scheme mem
Photo/s: Internet meme
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: New law scraps “doble plaka” requirement on motorcycle

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipapatupad ng MMDA ang odd-even scheme sa mga sasakyang nagdaraan sa EDSA simula June 16, 2025, para mapagaan ang daloy ng trapiko habang isinasagawa ang rebuild ng mahabang highway. (Photo: MMDA Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results