Sisimulan ng gobyernong i-roll out simula July 2025 ang Unified Persons with Disabilities (PWD) ID System sa 35 towns at cities sa buong bansa.
Sa isang panayam sa radyo noong June 23, 2025, inihayag ni National Council on Disability Affairs (NCDA) Executive Director Glenda Relova na layunin nitong maitigil ang paglaganap ng fake PWD IDs at mas mapadali ang pag-avail ng mga PWDs sa kanilang mga benepisyo.

Ang NCDA ay isang attached agency ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ani Relova: “Ang layunin po ng Unified PWD ID System is para po tayo magkaroon ng iisang design lamang.
“Iisa lang din po ang issuing authority para po once po na ang ating mga persons with disability ay dala-dala po itong ID na ito ay wala na pong question or hindi na kinakailangang i-verify pa kung hindi talagang ang ID mismo ang nagsasabi na sila ay totoo pong persons with disability.”
Sa kasalukuyan, bawat local government unit (LGU) ay may kanya-kanyang disenyo ng PWD ID.
Ayon kay Relova, dahil dito, nahihirapan ang mga establisiyementong matukoy kung ang PWD ID ay totoo o fake.
Read: 127-year-old Philippine flag discovered in Antique
NEW PWD ID WILL CONTAIN SAFETY FEATURES
Sa Unified PWD ID System, magkakaroon na ng single issuing authority.
Magtataglay din ang PWD ID ng safety features.
Bukod sa physical ID, magkakaroon din ng digital form na maaaring i-download.
Ang physical ID ay may Radio-Frequency Identification (RFID) tag.
Matapos mag-apply ang isang PWD para sa ID, maide-deliver ito sa loob ng tatlong buwan.

Sinabi ni Relova na maiiwasan na ang forgery ng PWD ID.
Ang materyales at technology kasing gagamitin ay mahirap daw kopyahin.
Naka-integrate din ang PWD ID sa National ID and e-verifier systems, para mas maging epektibo ang inter-agency authentication and data consistency.
Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay bahagi ng technical working group na mangangasiwa sa implementasyon, gayundin ang DSWD, Department of Health (DOH), at ang Department of the Interior and Local Government (DILG).
Read: DENR calls for protection of 43 heritage trees in Metro Manila
BIR LOSES TAX REVENUES DUE TO FAKE PWD IDS
Ibinahagi ni Relova na noong 2023, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay nakapagtala ng napakalaking bawas sa potential tax revenues dahil sa fake PWD IDs.
Sa bagong system, tanging ang verified individuals ang makatatanggap ng disability-related benefits and discounts.
“So, kapag po ibinigay ng isang persons with disability ang ID na ito, malaki po ang probability or almost 100 percent na talagang authentic sila.
“So, ang dating tax leak na PHP88.2 billion po noong 2023 ay mai-eliminate na po natin dito.”
Read: NCSC launches livelihood, training programs for senior citizens
HOW TO APPLY FOR THE NEW PWD ID
Para makapagparehistro ang isang PWD sa Unified PWD ID System, kailangan niyang magsumite ng valid documentation ng kanyang disability.
Para sa mga indibidwal na may visible physical disabilities, maaaring sapat na ang in-person assessment.
At para sa mga may taglay na psychosocial or mental disabilities, kailangang magsumite ng certifications mula sa licensed specialists.
Sinabi ni Relova na maglalabas ang DOH ng updated categories of disability, gayundin ng listahan ng experts na pinapayagang magkaloob ng certification.
Kabilang sa 35 pilot sites para sa Unified PWD System ang ilang bayan at lungsod sa Pangasinan, Bulacan, Rizal, Laguna, Metro Manila, Bicol, Aklan, Bukidnon, Cotabato, gayundin ang ilang area sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Fully digital ang magiging registration.
Para sa mga aplikanteng hindi masyadong gamay ang teknolohiya, maaaring magpatulong sa Persons with Disability Affairs Office (PDAO) desks ng LGUs.
Naghahanda na rin ang NCDA ng training modules para sa frontliners para matiyak ang maayos na implementasyon ng programa.
Read: COMELEC resets July voter registration period to October
EXISTING PWD IDs CAN STILL BE USED DURING PILOT TESTING
Hinihikayat ng NCDA ang PWDs na aktibong makilahok sa pilot rollout ng Unified PWD ID System at tumulong para matiyak ang maayos na transition para sa bagong system.
Ani Relova: “Kami po sa NCDA ay patuloy namin na ini-improve po ang ating sistema upang masigurado namin na ang mga benefits at karapatan ninyo po ay inyo pong makuha.
“Kaya po hinihiling po namin na mag-participate po sila lalung-lalo na dito po sa 35 municipalities.
“Lumabas po ang ating mga Persons With Disability and register.”
Ipinaalala naman ng NCDA sa mga establisyemento na kilalanin pa rin ang kasalukuyang ID na hawak ng PWDs habang isinasagawa ang pilot testing ng Unified PWD ID System.
Read: Visa-free entry to Taiwan for Filipinos extended until 2026
