PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NTA and PNP warn public not to smoke "Tuklaw" cigarette

“Potent and dangerous.”
by KC Cordero
Published Aug 18, 2025
Art card about the dangers of Tuklaw
Kasama na ngayon ang sigarilyong "Tuklaw" o Thuoc Lao sa illegal substances na target ng PNP sa isinasagawang anti-drug campaign. (Photos: PDEA)

Nagbabala ang National Tobacco Administration (NTA) noong August 15, 2025, sa publiko na ang sigarilyong tinatawag na “Tuklaw” o Thuoc Lao ay ipinagbabawal sa Pilipinas.

Inilabas ng ahensiya ang paalala pagkatapos ialerto ng mga awtoridad na ang naturang brand ng sigarilyo ay may malaking panganib na hatid sa kalusugan.

Ang mga gumagamit nito, kabilang ang mga kabataan, ay naiulat na nakaranas ng seizure-like symptoms.

The Thuoc Lao tobacco
Ang Tuklaw o Thuoc Lao ay native sa Northern Vietnam. Photo: RAP Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Thuoc Lao ay isang tobacco plant na lumalago sa kabundukan ng Northern Vietnam.

Locally, maaari itong hititin o nguyain bilang bahagi ng Vietnamese rituals.

Puwede ring gamitan ito ng pipe o bamboo bong.

Read: Why senior citizens should get their digital senior citizen ID

TUKLAW CIGARETTE IS ILLEGAL IN THE PHILIPPINES, HAS NO IMPORT LICENSE

Sinabi ni NTA Administrator Belinda Sanchez na ang sigarilyong Tuklaw ay walang import license.

Hinikayat niya ang publiko na agad magsumbong sa mga awtoridad kung sakaling may makitang indibidwal, tindahan, o anumang establisyementong nagbebenta ng naturang cigarette brand.

Ani Sanchez: “Increasing our efforts to fight the illicit tobacco trade will improve the country’s image in the global market.”

Read: Doc Sam Bernardo warns of unsafe dental trends on social media

TUKLAW ENTERS THE PHILIPPINES VIA SEA TRANSPORT

Batay sa pinakahuling pagsisiyasat ng NTA, nakakapasok ang sigarilyong Tuklaw sa Pilipinas sa pamamagitan ng iba’t ibang daungan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang sa mga ito ang mga pantalan sa Zamboanga, General Santos, at Davao sa Mindanao, gayundin sa Palawan province.

Ibinibiyahe ang mga ito sa dagat mula sa Indonesia at Malaysia.

Ayon pa kay Sanchez, importanteng mapigilan ang pagdagsa ng Tuklaw sa Pilipinas para maprotektahan ang lokal na industriya ng tabako.

Aniya, “If we work together in curbing illicit tobacco trade, the future of our tobacco farmers and those who depend on the industry is sustained, and our economy strengthened.”

Read: DOT offers livelihood program for Manila-based senior citizens

TUKLAW HAS EXTREMELY HIGH NICOTINE CONTENT

Nagbabala naman ang mga health expert sa panganib na dulot ng Tuklaw.

Ang nicotine content daw ay nasa nine percent—mas mataas kumpara sa average one to three percent nicotine content na matatagpuan sa ibang sigarilyo.

Kabilang sa mga nagiging epekto nito sa mga naninigarilyo nito ay ang biglang pagkaramdam ng shock sa buong katawan at pangingisay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Drunk man in flip-flops unknowingly completes 8-kilometer run

TUKLAW HAS MARIJUANA-LIKE EFFECT BUT MORE POTENT

Inihayag naman ni Philippine National Police (PNP) chief General Nicolas Torre III noong August 14 na nakamamatay ang paninigarilyo ng Tuklaw.

Kabilang na aniya ito ngayon sa illegal substances na target ng PNP sa isinasagawang anti-drug campaign.

Nakikipag-ugnayan na ang PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ng implementing arm ng Dangerous Drugs Board (DDB), upang mas mapag-aralan pa ang ibang epekto ng Tuklaw.

Sinabi naman ng PDEA at ng DDB na bukod sa nicotine, ang Tuklaw ay nagtataglay ng synthetic cannabinoid.

Nagiging sanhi ito ng psychotic episodes and hallucinations, tulad ng epekto ng marijuana, pero mas “potent and dangerous.”

Sa social media ay may kumakalat na videos ng ilang indibidwal na humitit ng Tuklaw, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Palawan, at Taguig City.

Limang estudyanteng edad 19 hanggang 25 ang naaresto sa Puerto Princesa City, Palawan na sangkot umano sa pagbebenta ng naturang sigarilyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinasuhan sila ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read: Shoulder fillers or "Jennie Shoulders," do you want them, too?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasama na ngayon ang sigarilyong "Tuklaw" o Thuoc Lao sa illegal substances na target ng PNP sa isinasagawang anti-drug campaign. (Photos: PDEA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results