Good news para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund: mas malaki na ang amount na puwedeng i-loan at mas mabilis na ring ma-qualify.
Kasunod ito ng ginawang upgrade sa Multi-Purpose Loan (MPL) ng ahensiya.
Inanunsiyo ito ng Malacañang noong May 6, 2025.

Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary and Palace Press Officer Claire Castro: “Dala ng patuloy na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga miyembro, mas pinalaki at pinadali na ang pag-qualify sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan.”
Sa ilalim ng upgraded MPL, ang mga qualified members ay maaaring makahiram ng hanggang 90 percent ng kanilang total Pag-IBIG regular savings.
Mas mataas ito kumpara sa dating 80 percent.
Read: Your step-by-step guide to voting on May 12 elections
Dagdag na paliwanag ni Castro: “Para sa miyembro, dinagdagan at ini-upgrade ang kanilang regular savings, lalo pang tataas ang kanilang loan amount dahil nakabase sa kanilang ipon ang kanilang mahihiram.
“Sa kabuuan, mas malaki ang maaaring matanggap ng mga miyembro mula MPL upang lalong makatugon sa kanilang pangangailangan.”
Sa huling tala na inilabas ng ahensiya, nasa 16.37 million ang active members as of last quarter ng 2024.
Mahigit isang taon na rin mula noong nagtaas ng 100 percent ang monthly contribution ng mga members.
Para sa mga kumikita ng PHP1,500 buwan-buwan, 200 pesos ang kaltas kumpara sa dating 100 pesos.
Read: Tips para maiwasan ang pangungutang
PAG-IBIG SHORT-TERM LOAN PROGRAMS
Samantala, ibinahagi rin ni Castro na ang mataas na loan amount at mabilis na pagiging eligible para rito ay nag-a-apply din sa Pag-IBIG short-term loan programs.
Kabilang dito ang Health and Education Loan Programs (HELPS) at ang Calamity Loan.
Maaari nang mag-apply para sa loan ang mga active members na nakapaghulog na sa Pag-IBIG sa loob ng 12 months.
Mas maigsi ito kumpara sa dating 24 months.
Ani Castro: “Pinaigsi na rin ang panahon para maging eligible ang miyembro sa pag-avail ng loan.
“Dahil dito mas maagang makaka-access ng pondo ang mas nakakaraming miyembro para sa kanilang mga agarang pangangailangan.”
Ang mga bagong patakaran sa Pag-IBIG loan ay sisimulan na sa May 16.
Para sa mga nais mag-apply, i-click lang ang link na ito: https://tinyurl.com/5n7ju82t
