Ang mga nahalal at naitalagang opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) na may “good standing” ay entitled na ngayon sa civil service eligibility.
Inianunsiyo ito ng Civil Service Commission (CSC) last October 4, 2025.

Sa inilabas na pahayag sa media, sinabi ng CSC na sa ilalim ng Resolution No. 2500752 ng komisyon, o ang Rules Governing the Grant of Eligibility to SKOs, na inilabas noong July 24, 2025, ang qualified SK officials na nakakumpleto ng full three-year term of office, o katumbas nito, ay maaari na ngayong mag-acquire ng Sangguniang Kabataan Official Eligibility (SKOE).
Read: SSS launches EMV-equipped, dual-function MySSS Card
SKOE IS APPROPRIATE FOR FIRST-LEVEL POSITIONS IN THE CAREER SERVICE
Ang SKOE ay maaaring mag-apply para sa first-level positions sa gobyerno.
Hindi naman sila puwedeng mag-apply sa mga posisyong kailangan ng board exams, o kaya’y required ang special eligibilities.
Ayon kay CSC Chairperson Marilyn Yap: “This privilege, granted exclusively to duly elected and appointed SK officials, recognizes the vital role of the youth in nation-building and affirms their contributions to public service.
“Through the SKOE, we empower young leaders to pursue careers in government and continue their service to the Filipino people.”
Read: Kiko Pangilinan vs. LandBank employee on corruption, systems
WHO ARE THE SK OFFICIALS COVERED BY SKOE
Masasakop ng SKOE ang SK officials na naglingkod sapul nang magkabisa ang Republic Act No. 11768, o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, noong June 1, 2022.
Kabilang dito ang incumbents noong 2018 hanggang 2022 term na nakumpleto ang kanilang full term.
Kasama rin ang SK members na inihalal ng Katipunan ng Kabataan (KK) pati na rin SK secretaries and treasurers na ini-appoint ng SK chairperson nang may pagsang-ayon mula sa majority ng SK members.
Read: BPI sets PHP15 service fee for cash-in transactions via InstaPay
SK CHAIRPERSONS ARE COVERED BY BARANGAY OFFICIAL ELIGIBILITY
Ang SK chairpersons naman ay covered ng Barangay Official Eligibility (BOE), hindi ng SKOE.
Ang BOE, na nagkabisa simula noong August 1, 2012, ay based strictly sa completion ng term of office para sa:
- Elective barangay officials, kabilang ang Punong Barangay/Barangay Captain, regular Sangguniang Barangay members at SK Chairpersons.
- Appointive barangay officials, kabilang ang barangay treasurers and secretaries na itinalaga ng duly elected Barangay Captain.
Read: Employee laid off after 15 years at company
HOW THE QUALIFIED SK OFFICIALS CAN APPLY FOR SKOE
Ang qualified SK officials ay maaaring mag-apply para sa SKOE simula October 4, ang effectivity date ng CSC Resolution No. 2500752.
Ang applications ay kailangang isumite sa CSC regional office na may hurisdiksiyon sa barangay kung saan naglingkod ang applicant.
Maaari ring sa pinakamalapit na CSC Regional or Field Office, na siyang magpoproseso at magre-release ng certificates.
Ipinapaalala naman ng CSC na maaari nitong bawiin ang anumang SKOE na naipagkaloob sa unqualified applicants o sa mga matutuklasang lumabag sa existing laws, rules, and regulations ng komisyon.
Ang kabuuang teksto ng CSC Resolution No. 2500752 ay maa-access sa link na ito: https://csc.gov.ph/downloads/must-read-resolutions/category/.
Para sa iba pang katanungan, tumawag sa CSC sa (02) 8931-4180.
