Ngayong Semana Santa, may mga lugar para sa mga nais magpahinga mula sa busy work, and, at the same time, magunita ang saysay ng Mahal na Araw.
Sa mga nagbi-Visita Iglesia, alam niyo bang may mga simbahan na mayroong relics ng True Cross o totoong krus kung saan ipinako si Hesu Kristo?
Ang isa ay naka-embed sa Jubilee Cross, na makikita sa Manila Cathedral o ang Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Intramuros, Manila.
Ang relic ng True Cross ay regalo ni Father Gener Geronimo sa Manila Cathedral, isa sa pinakalumang simbahan sa Pilipinas at itinayo noong 1571.
“Makikita ho nila na they are strips of woods from the True Cross of Jesus,” ani Fr. Viel Bautista, vice rector ng Manila Cathedral, sa ulat ng GMA Integrated News.


May isa pang relic na nasa panangangalaga ng Manila Cathedral.
Ito ay ang dugo ni Pope John Paul II, na naging santo noong 2014.
“Vial blood na nanggaling po sa kanyang personal secretary. Naging regalo kay Cardinal Chito Tagle, and in turn, Cardinal Chito Tagle entrusted the relic to the Manila Cathedral,” kuwento ni Fr. Bautista.
Ang vial blood na ito ay itinuturing na first-class relic.
Binanggit sa report na hindi ito regular na inilalabas para makita ng mga churchgoers, pero ipinapahiram ito sa Catholic community, ibang simbahan, at youth movements.

Read: Air Canada launches non-stop Vancouver-Manila flights
ANOTHER RELIC OF THE TRUE CROSS IN TARLAC
Samantala, sa itinayong Monasterio de Tarlac na nasa Brgy. Lubigan, San Jose, Tarlac, makikita ang isa pang Relic of the True Cross.
Nandito rin ang 30-foot tall na rebulto ng Risen Christ na dinadayo ng mga deboto.
Ang monasteryo ay itinayo noong 1998 ni Fr. Ronald Thomas Cortez, na siya ring tagapangalaga ng relic.
Ayon sa article na nalathala sa travel website na Behold Philippines, dumalo si Fr. Cortez sa World Youth Day sa Germany noong 2005.
Dito niya nakilala si Monsignor Volker Bauer, ang tagapangalaga ng True Cross relic.
Dahil unti-unting tumatamlay na ang nais pumasok sa monasteryo sa Europa, naghahanap si Msgr. Bauer ng taong puwedeng mangalaga sa relic.
Napisil ng German priest si Fr. Cortez dahil alam nitong may church community na itinayo ang Pilipinong pari sa kanyang lugar.
Pag-uwi ni Fr. Cortez mula sa World Youth Day, bitbit na niya ang relic.
Sa kasalukuyan, masisilayan ito sa isang golden arqueta o chest na nasa ilalim ng altar sa monasteryo.
Mayroong papal seal ang arqueta bilang authentication.

Read: Simple living "in the middle of nowhere" in Camarines Sur
HOW THE TRUE CROSS WAS FOUND
Ayon sa mga religious websites, ang True Cross ay natagpuan ni St. Helena, ang ina ni Constantine the Great at at anak ng Roman Emperor na si Constantius I.
Habang nasa isang pilgrimage, napadako si St. Helena sa Jerusalem.
Isang matandang Jew ang nakapagturo raw sa grupo ni Empress Helena sa kinaroroonan ng krus.
Sa isa pang bersiyon, may nakitang liwanag ang emperatris sa isang lugar kaya pinahukay niya ito.
Noong September 14, 326 A.D., natagpuan ang mga kahoy ng krus, kasama ang pinaniniwalaang pinagpakuan sa dalawang magnanakaw—sina Gestas at Dismas—na kasama ni Hesus.
Para matukoy kung alin ang pinagpakuan kay Hesus, pinahawakan daw sa isang babaeng maysakit ang tatlong krus.
Nung nahawakan ang ikatlong krus, gumaling daw siya.
Ang miracle na ito ang naging batayan para malaman kung alin ang wooden relic ng “True Cross.”
Ang kuwentong ito ay pinaniniwalaan ng Simbahang Katoliko.
Maraming beses isinailalim ang relics sa mga pag-aaral, tulad ng carbon dating, para matiyak ang authenticity ng mga ito.
Tumugma ang resulta sa mga historical accounts.
Ang mga relics ay nakatago ngayon sa Basilica of the Holy Cross in Jerusalem, isang simbahang nasa Rome, ulat ng Rome Reports noong March 2024.
Gayunpaman, idiniin ng Simbahang Katoliko na hindi nito pinipilit ang mga tao na maniwala sa mga relics na ito.

