Kung bakit si Carlo Aquino ay "tunay na macho"

How tough is it to admit one's mistake?
by Bibeth Orteza
Aug 2, 2019
Just the thought that Carlo Aquino, just all of five feet and four inches, manned up and stood taller...Napa-slow clap talaga ako.
PHOTO/S: Noel Orsal

Hello po.

Welcome ulit to Labandera Chronicles.

Who said this? "Hindi naman ako magso-sorry kung alam kong hindi ako nagkamali."

No, hindi po the friendly "ghosting" boy. Hindi na raw talaga iyon magsasalita tungkol sa sitwasyon, ani Gorgy Rula ng PEP TROIKA, na, in fairness, handa pa ring pakinggan kung anuman ang paliwanag ni Casper.

Lalong hindi yung nakita ko sa 40th day dinner para kay Eddie Garcia last July 30. Hindi kami nagpansinan, kahit may nagsabi na sa aking umamin na raw na nabigla lang siya, dalawa na ang nagbanggit na nagsisisi na raw sa tindi ng hirit, at tatlo na ang nagpayong tantanan ko na.

May nagkuwento rin na sabi raw no'ng mama, nagpapagawa raw siya ng bahay kaya intindihin na lang iyon, but I didn't hear it myself, so I’m taking that with a grain of salt at baka naman chika lang.

So, sino na nga ang nagsabing di siya magso-sorry kung alam niyang di siya nagkamali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kaliwa't kanang kaganapan kung saan sangkot ang mga "macho," may mga bagay na hindi nadadaan sa tangkad o sa bulto ng katawan. Ang tunay na macho, ang tunay na lalaki, ay yung kayang umamin, na, oo, nagkamali siya. Kaya, hala. Magsipag-uwian na ang mga mapagpanggap, at may nanalo na.

Si Carlo Aquino.

Jesse in Irene Villamor's Meet Me in St. Gallen. Nix in Dan Villegas's Exes Baggage. Col. Vicente Enriquez in Jerrold Tarog's Goyo. And way, way back in 1999, Marlito, in Carlos Siguion-Reyna’s Kahapon, May Dalawang Bata.

To clarify, Carlo in his various interviews has never revealed why he and AP broke up, so I don’t intend to go there. But as AP has yet to deny the veracity of the apology, I'm taking the ex-boyfriend’s claim as fact: Nag-sorry nga siya.

CarGel's gone and may never be again, but, still. Just the thought that Carlo, only all of five feet and four inches, manned up and stood taller than the other two, huwaw. Napa-slow clap talaga ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

I mean, really, now. How tough is it to admit one's mistake?

Hindi ko mabili ang pa-rumba—with all due respect to those who find this acceptable—na eto na kasi ang panahon ngayon, uso na ang pagbe-break up sa text messages, o sa iMessenger, kaya huwag nang husgahan ang "ghosting," tanggapin na lang bilang kalakaran, tutal din naman, di pa kasal ang mga partidong involved.

Hindi katanggap-tanggap sa akin na kasi lang nabigla ka, at dahil nabanggit mo na naman sa ilang kaibigan na ayun na nga, nabigla ka, so hindi mo na kailangang humingi ng dispensa sa mga hiniling mo ang kamatayan, kahit na pa ang tutoo, may halos dalawampu ang napatay no'ng linggong inusal mo ang curse of death.

I mean, kung ang papel niyo sa mga nilabasan niyong pelikula at teleserye ay taong may malasakit sa kapwa, nagtatanggol sa mga inaapi, naging NBI kayo at mga imbestigador, basta palagi kayong nasa panig ng katarungan at katuwiran, hello. Tayuan niyo naman ang mga character niyong ginampanan, kahit konti.

Kung di niyo kayang gawin iyon, lumaban kayo nang titigan kay Carlo Aquino.

Alam na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Carlo Aquino, CarGel
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Just the thought that Carlo Aquino, just all of five feet and four inches, manned up and stood taller...Napa-slow clap talaga ako.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results