Hello po.
Welcome ulit to Labandera Chronicles na sabi ko nga no'ng una, mga yada-yada-yada, pamimitik, at pamumuna ng aba ninyong labandera.
Pero pabayaan niyong sagutin ko itong DM sa akin ng isang kaibigan: "Psst, OK lang sa iyong tinawag kang 'La Ocean Deep' no'ng kung sino man 'yon, sa una mong salida?"
(Use of the word 'salida' pa lang, gets niyo na agad na ka-generation ko yung nagtanong, ano? Wala nang gumagamit ng salitang iyan ngayon sa mga bata, bata-bata, at kahit na pa sa nagpapanggap na bata.)
My answer: Sa totoo lang, natawa ako. Dahil heto ako, gamit ko ang tunay kong pangalan. Pati mukha ko, nakakabit dito. Yung tumawag sa akin ng "La Ocean Deep," fake name na, bago pa sa FB. No friends siya ro'n, no photos, no nothing. Malakas ang loob mambira, nang hindi niya itinataya ang mukha niya at totoong identity. Mukhang gumawa lang ng bagong account, para tirahin ako. And that, of course, flattered me.
Someone with the chutzpah of, say, Allan Diones [showbiz columnist], would tell me, to my face: "Write ka po ng column sa PEP.PH, Miss B? May 'K' ka pa ba?"
Pero itong isa, wit.
Wit ka tapang mag-use ng real name mo at show ng real face mo, wit din akong panahon na awayin ka. Sasabunin lang kita.
I mean, hey. Pangalan at mukha ni Phillip Salvador ang gamit niya, when he cursed Duterte critics and wished them death: "Mamatay kayong lahat!"
I don't agree with what he said and how he said it. He will drown in opprobrium, censured by those who remember how he once proclaimed himself a Born-Again Christian, and do Christians wish death on others?
Likewise, pangalan at mukha rin ng talent manager and showbiz personality na si Ogie Diaz ang ibinalandra niya sa Facebook noong sabihin niyang: "Dear Kuya Ipe, Mahal kita, alam mo yan. Hindi ko lang gusto 'yung mensahe mo para sa mga bumabatikos sa Pangulo. Mamatay ba agad? Hindi ba pwedeng manahimik' lang muna, kahit nga 'mamatay kayo sa inggit,' kaya nang tanggapin, eh. Pero yung mag-wish ka ng death sa mga kababayan mo, partikular sa mga ayaw sa Pangulo? Paano kung me mga kamag-anak kang detractors ng Pangulo? Gusto mo rin silang mamatay, gano'n?"
It's really up to you what side of the fence you're on. Pero kung magmamatapang ka, show your face. Use your name.
Ito ang lamang ng mga nag-artista noon at ngayon. Sikat o hindi, namamayagpag, o "La Ocean Deep," sabihin pang screen name ang gamit mo, nakakabit iyon sa mukha mo.
Proud kang tanggapin ang papuri for the good work, haharapin mo rin ang pagpuna sa mga trabaho mong semplang, hindi ka magtatago behind a pseudonym na nga, wala pang litrato, makadaot lang.
Having said all this, babalikan ko lang si Phillip. Sabi niya sa akin dati, hindi coincidence na 'Salvador' ang apelyido niya, a Spanish word which means 'saviour' in English. Tagapagligtas. Sana, tayuan niya ang pangalan niya. Kung hindi, baka hindi nga rin coincidence na ang last name niya, first name ni Panelo.