Ang galit-bati na sina Lino Brocka at Armida Siguion-Reyna

"Siya ang pinakamasamang taong kakilala ko? Bagay siya sa role!"
by Bibeth Orteza
Aug 6, 2019
The late director Lino Brocka and the late actress-singer Armida Siguion-Reyna were "frenemies," but this did not prevent them from working with each other.
PHOTO/S: File/ imdb.com

Hello po.

Welcome ulit, to Labandera Chronicles. Di po tayo maglalaba ngayon, walang sasabunin. Magbabalik-tanaw lang po tayo sa isang magandang kuwento ng pagkakaibigan.

Kaugnay po ito sa takdang tribute showing sa CCP Dream Theater ngayong gabi, August 6, 2019, ng Dung-aw ni Lino Brocka, tampok sina Armida Siguion-Reyna bilang Gabriela Silang, Mario Montenegro bilang Diego Silang, at kasama rin si Bey Vito. It was written by Mario O’Hara, music by Lutgardo Labad, and cinematography by Romy Vitug.

(Isisingit ko lang, Dung-aw means lamentation, an Ilocano tradition during a wake, where the dead person is praised through song, parang pabasa.)

Sina Lino at Armida, mag-"frenemy." Galit-bati. Bati-galit.

Armida Siguion Reyna, Lino Brocka

Shooting pa lang ng Dung-Aw noong 1975, ilang beses na silang nagbangga. Tao ni Lino si Carding de Guzman na production manager ng pelikula, natural, pinuprotektahan niya pagka nasasapol ng pagka-istrikto ng noon ay future biyenan ko. Asawa ni Carding si Julie de Guzman, costume mistress, na minsang nagdala ang mga anak nila ng costumes sa bahay ni Armida, 'tapos, kulang, nagpasiya si Armidang huwag paalisin ang mga bata hanggang di nakukumpletong ihatid ang costumes.

"You cannot hold them hostage!" diin ng butihing Atty. Leonardo Siguion-Reyna sa kabiyak. Nasunod si atorni, pinauwi ni Armida ang magkapatid sampu ng mga kasama, kahit na galit siya. Paki-imagine na lang please, ang reaksiyon ni Lino no'ng nalaman niya ang pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi iyon ang una at huli nilang bangayan sa set. And yet, kuwento ni Armida sa kanyang biography, "very considerate director" daw si Lino. Nahulog siya sa kabayo sa isang eksena (she fell off the same horse nine times during the shoot), "Lino decided to call it a day; he did not want to take any risks."

Meron pang, "During my burial scene in Tanay, Rizal, I lay on the burial pit in the ground for an hour. He reminded his people: 'Si Armida, baka nilalangam doon sa hukay, lagyan niyo ng sapin.' He was a good person and remained very professional. I will never forget that."

So, nagkabati sila. Produce ulit ang Armida, Mga Bilanggong Birhen naman, script at direksyon ni Mario O’Hara, kung saan lumabas si Lino na leader ng mga rebeldeng Pulahanes. Nag-away si Armida at si Mario. She fired Mario, took in Romy Suzara to finish the film. Nagwala si Lino, pinatanggal mga eksena niya, na hindi rin naman tinanggal. Sumumpa ang Lino, di na raw siya makikipagtrabaho kay Armida dahil "masama siyang tao."

Pero pagkatapos nito'y kinuha niya ulit si Armida sa Tahan Na, Empoy, Tahan sa papel ng malupit na tiyahin nina Niño Muhlach at Snooky. Tinukso ko si Lino, "Akala ko ba, di mo na siya uli kukunin?" Buwelta ni Lino, "Bakit hindi, e, siya ang pinakamasamang taong kakilala ko? Bagay siya sa role!" Natapos at natapos ang pelikulang hindi sila nag-uusap, maliban na lang kung ginagawa na ang mga eksena.

Sa kabila ng mga away-bati na iyon, mas matimbang ang mga pagkakataong sila ay magkalapit at magkaibigan. Gaya nga ng sabi ni Armida sa kanyang bio na Armida rin ang pamagat: "We shared the same principles and fought for the same causes in the movie industry—to rid the industry of the patronage system which we both felt was a deterrent to professionalism. He was a great advocate of freedom of expression, and so was I. The movie industry owes Lino [Brocka] a debt of gratitude for inserting 'freedom of expression' in the 1987 Constitution, without which the fight against censorship would be many times more difficult than it is now."

Soon after EDSA I, producer-director Cirio Santiago, an industry overseer put in place by Peping Cojuangco, appointed Armida MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) O-I-C.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lino protested that: "Bakit si Armida, e, si Marcos ang ibinoto niyan?” Before we knew it, Manuel Morato was appointed chair of the classification body. Ilang buwan pa lang siyang nakaupo, tawag na ang Lino kay Armida:"Dapat pala, hindi na ako tumutol. Ikaw ang talagang dapat naging chairman. Naku, Armida, laki kong pagsisisi."

Gano'n kasi noon. Ang may atraso, ang may nagawang di tama, nagso-sorry. Ang mas malaking tao, hindi nahihiyang umamin sa kanyang pagkakamali. ###

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The late director Lino Brocka and the late actress-singer Armida Siguion-Reyna were "frenemies," but this did not prevent them from working with each other.
PHOTO/S: File/ imdb.com
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results