Isang linggong labada: Guesting, party, massage, rehearsal, at iba pa

Kapagod, ah!
by Bibeth Orteza
Sep 10, 2019
Attend kayo, ha, sa Silver Linings 2019 na magaganap sa September 28, sa PICC Pasay City.
PHOTO/S: http://icanserveshop.com/

Hello po. Welcome ulit to Labandera Chronicles.

Sorry at isang beses lang akong naglaba last week. Nagbisi-bisihan, pagkatapos ng munti kong play na Dolorosa, kasama ang Tanghalang Ateneo.

Lunes, guest ako sa teleradyo program nina Ariel Ureta at ‘Mareng Winnie Cordero, sa DZMM, bilang spokesperson ng ICanServe Foundation, para sa Silver Linings, isang summit kung saan pag-uusapan ang lahat nang puwedeng pag-usapan tungkol sa cancer.

May main discussions at maliit na discussion groups na mas intimate ang usapan. May mga cancer specialists na dadalo para sa libreng consultation, mga kilalang cancer survivors din na magsasalita, tulad ni Fr. Jerry Orbos, SVD, a lung cancer survivor. Kung interesado kayo, ito’y hindi lamang para sa mga na-diagnose, kundi pati na rin sa mga caregivers at mayroong history ng cancer sa pamilya: September 28, at the PICC, 8 a.m. to 5 p.m. The PHP500 registration fee includes meals for the day.

Sabi nga ng dating US President na si Franklin D. Roosevelt, “there is nothing to fear, but fear itself.” Iba-iba ang klase ng cancer, we can only move towards fighting the disease by staring at it straight in the eye. E-mail info@icanservefoundation.org for further information.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

'Tapos naming magharutan ni Ariel (na ewan ko kung natatandaan niyo pang isa sa nagbigay sa akin ng break sa The Morning Show noong 1976) at ‘Mareng Winnie, nakapag-pamasahe ako sa isang napakagaling na masahian sa FRB Building sa Katipunan, sa ground floor kung saan naka-pronta ang Yellow Cab Pizza at ang mismong massage place, nasa dulo. Gaano sila kagaling? Magaling talaga. Solved na ako sa Hilot Balay Hilom, pero marami pa silang klase ng masahe. Pinakamatagal na ang 100 minutes, subukan niyo at hindi kayo magsisisi, sa murang halaga lamang.

From there, I dropped by the rehearsals of Sine Sandaan. Ang sipag ng mga artista, pati director na si Ice Seguerra.

Martes, balik na ako sa paglilinis ng English subtitles para sa restoration ng Mga Bilanggong Birhen care of the ABS-CBN Archives, sa ilalim ng pamumuno ni Leo Katigbak. Maya’t maya ang supervision ng jowang Carlitos Siguion-Reyna sa proseso ng restoration sa Central Digital Lab ni Manet Dayrit. Directed by Mario O’Hara and Romy Suzara, tampok dito sina Alma Moreno, Tricia Gomez, Armida Siguion-Reyna, Mario Montenegro, Monang Carvajal, Rez Cortez, Pangguy Francisco, at ang ubod ng galing na si Leroy Salvador, who, by the way, charged producer Armida only PHP1.00 — piso lang talaga!

Kinabukasan, sumama ako sa Wednesday Club group na kinumbida ni Senator Jinggoy Estrada para sa dinner, konting chika at belated pa-birthday para sa mahal ng marami na si Cesar Evangelista. Naroon ang regulars na sina Malou Choa-Fagar, Mario Bautista, Allan Diones, Anna Pingol, Mother Lily, Annabelle Rama, Ruffa Gutierrez, Rap Fernandez, Jojo Gabinete, si Jake Ejercito, at siyempre, si Sen. Jing.

Huwebes, balik-Mga Bilanggong Birhen, hanggang Biyernes. Natapos ko nang Sabado. Saturday night, we watched Dulaang UP’s The House of Bernarda Alba; wala kaming kamalay-malay na mag-asawa na no’ng opening night pala’y nagkagulo sa Wilfrido Ma. Guerrero Theater, dahil nanood si Irene Marcos-Araneta, na kaibigang-dikit ng director na si Alex Cortez. The day ended with me at the Dolorosa cast party; kinabukasan, nagpahinga ang matanda.

O, e, di Lunes na uli. Gumising nang ubod nang aga, dahil 6:30 a.m. ang call time ng Umagang Kay Ganda, para uli sa Silver Linings. Naloka sa traffic pabalik ng bahay. Umidlip nang kaunti para finally makapaglaba. Na di ko rin nagawa agad, dahil super-distracted sa sunud-sunod na hirit ni Don Pablo Tariman, impresario nonpareil, sa Facebook:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“A true to life BuCor scene in today’s Kadenang Ginto.”

“You found Daniela (KG) and Miss Lily (FPJAP) at the Senate hearing?”

“More suspense in today’s Senate hearing than in General’s Daughter.”

Watch Me Kill in real life at the Senate Hearing.”

Dala ng pagtataka, nahila tuloy akong manood ng replay ng live GCTA hearing sa Senado.

It’s really so hard to make laba. ###

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Attend kayo, ha, sa Silver Linings 2019 na magaganap sa September 28, sa PICC Pasay City.
PHOTO/S: http://icanserveshop.com/
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results