Hello po. Welcome ulit to Labandera Chronicles.
Bago ang lahat, isang pag-amin. Hindi ako magaling na kolumnista. Hindi ko kayang maglabas ng dalawa, o kahit isa lamang, na lingguhang komentaryo sa mga nangyayari sa paligid, when I get personally affected by other things. Like death.
For instance, I had originally intended to write about The Bag, as I had promised fellow PEP.PH’er Rommel Gonzales at the presscon for Katsuri. But the passing away of friends well within days of each other just made it so hard.
Imagine, if you will, grief, in layers. Hinagpis na nagpatung-patong. Nauupo ako sa harap ng desktop, nakatanga. Blanko. Kasing-blanko ng espasyong dapat kong sulatan, kinukutya na ako’t lahat ng cursor sa computer screen ko na panay ang kislot, wala pa rin akong mailabas.
No, this isn’t the first time that I’ve lost people who are dear to me. Wala na ang mga magulang ko, maging mga biyenan. May mga pinsan ako’t kaibigang natulog na lang na, 'tapos hindi na nagising. Gayundin, mga kasamahan sa ICanServe Foundation na aming breast cancer information advocate group. At, etcetera.
Pero, terible. Ngayon ko lang dinanas ang ganitong apat sila na namaalam sa loob ng wala pang isang linggo. Lima, kung isasama ko ang nanay ng isang kaibigan. Anim, kung pati yung isang nauna nang two weeks. Tatlong beses akong nagbigay ng eulogy; isa noong kararaang Lunes, dalawa pa no’ng Martes na sumunod.
Is this for real? I asked myself.
I tried to break the string of misery. Dumalo ako sa premiere ng Bilanggong Birhen, as restored by ABS-CBN Archives, pelikulang gawa noon pang 1977, tampok sina Alma Moreno, Rez Cortez, Mario Montenegro, Leroy Salvador, at higit sa lahat ang mahal kong biyenang Armida Siguion-Reyna.
Then, I went on FaceBook, pinagha-Happy Birthday ko ang lahat na makita kong nagdiriwang. 'Tapos, nitong huling Sabado, buong araw ako sa Silver Linings na cancer summit, sa PICC. Nagdiwang ng buhay, nakipag-kaliwa’t-kanang selfie, at mereseng 8 am to 5 pm ako’t buong araw na naro’n, dumiretso ako sa rehearsals ng Katsuri ni Carlitos, na takdang magbukas ngayong October 4, sa Huseng Batute Theater sa Cultural Center, at may special preview sa October 3.
Linggo, nakumbida ako ng kaibigang Danny Dolor sa kanyang birthday lunch, nagpunta ako, at ang laki ng iginaan ng loob kong makita hindi lamang ang celebrator, kundi tatlong mesa ng mga kaibigang Susan Roces, Senator Grace Poe, Helen Gamboa-Sotto, Tony at Madeleine Tuviera, Ricky Lo, Ronald Constantino, Lilibeth Nakpil, Mother Lily, Jullie Yap-Daza, Pat-P Daza, Ricky Davao, Malou Choa-Fagar, Veana Fores, June Rufino, Dolor Guevarra’t mga anak na JP at Anes, pati apo—and from there my equilibrium got somewhat restored.
Afternoon of that same day, my good friend Raquel Villavicencio and I watched Passion at the Carlos P. Romulo Theater in RCBC, enjoyed the production and the performances led by Shiela Valderrama-Martinez, Vian King, Lorenz Martinez, and Raul Montesa, from the direction of Robbie Guevara. We also saw other theater friends there, so, yay!
Isang araw na pahinga, at kahapon sa unang araw ng buwang itinalagang Breast Cancer Month mula pa noong 1985, naroon na ako sa isang breast cancer event sa SM San Lazaro, kasama ang kapwa survivor kong Melissa de Leon-Joseph, sina Dr. Victor Gozali, president of the Breast Cancer Network of the Philippines, at Dr. Clarito Ciaro ng Department of Health at event emcee na si Suzi Abrera.
Medyo nahimasmasan na ang aba ninyong labandera. Naipukpok ko na sa isip kong life goes on, that I needn’t focus on what has been lost and could not be retrieved again dahil tutal naman at nariyan ang mga alaala, great memories with matching pictures of moments spent with deceased friends.
Salamat, Isah Red, Lian Chua, Nelson Navarro at Mama Mel Chionglo.
OK na ako. Sa susunod nating pagkikita rito, I’ll tell you more about The Bag. ###