Ang Susan Roces fan noon na affected sa death ni Amalia Fuentes

by Bibeth Orteza
Oct 15, 2019
Grateful si Bibeth Orteza dahil kahit papaano ay na-comfort siya during her phone conversation with Susan Roces noong araw na pumanaw si Amalia Fuentes.
PHOTO/S: Noel Orsal/ from the movie Cover Girls

Hello po. Welcome ulit to Labandera Chronicles.

So, ayun at noong birthday party ni kaibigang Allan Diones no’ng isang linggo, dineretso na ako ng kapwa kong PEP.ph’er Rommel Gonzales: “Isulat mo na kasi ang tungkol sa "The Bag.

As if on cue, ibinuyangyang ko ang dala kong version ng "The Bag," pati na’ng regalo ko sa birthday boy, na nagustuhan ng mga pinagpakitaan ko.

But even as I was doing so, hindi makatkat sa isip kong bago kami nagpunta ng kumare kong Raquel Villavicencio sa selebrasyon ni Allan ay dumaan muna kami sa Mount Carmel sa Broadway, para makiramay sa pamilya ni Amalia Fuentes.

Susan Roces fan ako noon, pero ang Susan-Amalia rivalry ay malaking bahagi ng aking kabataan. Doon na nga lang sa mismong lamay, nagkatawanan pa kami ni Raquel dahil siya pala ay maka-Amalia naman, nag-album din ng mga litrato ng kanyang idolo, and I’m sure, gaya ko, bumibili rin ng weekly Graphic magazines para sa balota ng Miss Philippine Movies.

Hindi ko lang naitanong kay Raquel kung nagpupunta rin siya sa bahay ni Nena—palayaw ni Amalia—na tulad kong madalas ang punta noon sa Wilson Street sa bahay nina Susan para lang matanaw siya at maambunan ng regular na pamigay niya sa mga fans na Los Primos Fruit Cocktails, but hey. One fan is just as fanatic as another. Kung ano ang siste ko sa paborito kong movie queen, walang dudang gano’n din ang amiga ko.

Anyway: I found out about Amalia’s passing from her nephew Niño Muhlach, past four in the morning of the same day she died, October 5. Nalungkot ako na hindi ko maintindihan, dahil hindi nga ako maka-Amalia. Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagte-text kay Susan Roces, ang aking Manang Inday, kung puwede ko siyang makausap.

That must have been around 8:30 in the morning.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manang Inday said she had come home late from taping Ang Probinsyano, so she woke up a little later than usual. And yes, she had already heard that Nena had passed. Pormal si Mrs. Poe sa mga bagay na ganito, old school at conservative ang kanyang pananaw sa tradisyon, including not just texting about sensitive matters such as death kundi talagang itinatawag. Na siya namang dapat.

It was good to hear Manang Inday’s voice, so calm and reassuring, that morning of yet another loss. We chatted about this and that, about life in general, about people dying almost to the left and right of us, lalo pa at kamamatay lang din ni Tony Mabesa the night before. And then we hung up.

I cannot presume to have comforted Manang Inday the way she did me, pero napayapa ako sa maikling pakikipag-usap na iyon. I somehow got through the rest of the first weekend of our play Katsuri, at the CCP, and then Sunday night, nakapunta na kaming mag-asawa sa wake ni Tony M.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Martes ng umaga, tumawag ang Joel Lamangan. Gabi raw ng showbiz, at hindi teatro, ang araw na iyon para kay Tony, puwede raw ba akong matokang magsalita? Siyempre, I said yes. Hindi man ako naging artista ni Tony sa kahit anong play niya — I suspect he never thought me good enough to be his actor — we were friends and had shared experiences together.

Sa Arlington sa G. Araneta Avenue, nakaburol si Tony. Kaliwa lang at isang mahabang diretso, E. Rodriguez na, isa pa uling mahabang diretso at Broadway na, Mount Carmel na, at naroon si Miss Number One, ang sinalihan niyang contest na inilunsad ng Sampaguita Pictures.

Payapa na, at last, sa kanyang himlayan. Kasama na ang anak na si Liezl, pati na rin sina Romeo Vasquez at Joey Stevens, pero si Liezl lang talaga at si Nena ang nakita ko sa aking balintataw, magkayakap. Nagpapahiran ng luha. Nagtatawanan. Kung anuman ang mga hinampo nila sa isa’t isa, nawala, nabura.

Sa isang iglap, gumaan ang aking pakiramdam. Mula roon, nakipagparty na kami kay Allandy. ###

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Grateful si Bibeth Orteza dahil kahit papaano ay na-comfort siya during her phone conversation with Susan Roces noong araw na pumanaw si Amalia Fuentes.
PHOTO/S: Noel Orsal/ from the movie Cover Girls
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results