GMA Supershow hosts, mag-reunion kaya muli sa burol ng ina ni Rachel Anne Wolfe?

IMAGE Screen grab from YouTube

NOEL FERRER: Namatay na  ang itinuturing na Queen of Jazz ng ating bansa na si Ms. Annie Brazil nitong Marso 5, Martes ng gabi.

Siya ang butihing ina nina Richard James B. Merk, Ronel Wolfe, at Rachelle Ann Wolfe na pawang nag-showbiz.

Ang kanyang remains ay nasa Loyola Guadalupe and guests will be received by Wednesday, 12 NN.

Nakikiramay po ang PEP Troika sa pamilya ni Annie Brazil.

Di ba, close kayo, Tito Gorgy?

GORGY RULA: Di naman close. Nakatrabaho ko lang si Richard noong kainitan ng career niya.

Matagal ding inalagaan ni Richard ang kanyang ina. Na-stroke ito noong Nobyembre 2017.

Buti at umuwi si Rachel Anne Wolfe sa bansa noong Disyembre.

Nakipag-reunion tuloy ito sa co-hosts niya sa GMA Supershow.

Magkikita-kita kaya muli ang hosts ng GMA Supershow sa burol ni Annie?

JERRY OLEA: Kumusta na ang dating singer at member ng That’s Entertainment na si Ronel Wolfe?

Napabalita sa Startalk noong Pebrero 2015 na nakapiit ito sa Pasig City Jail.

Makadalaw kaya si Ronel sa burol ng ina?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN