Rumored movie nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa Hong Kong kukunan?

by PEP Troika
Mar 6, 2019
Bali-balitang pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikula, sisimulan na?
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Nicdao for YES!

GORGY RULA: Abangan natin kung kailan bibiyahe si Kathryn Bernardo pa-Hong Kong.

Ang nasagap ko kasing kuwento sa ilang reliable source ng PEP Troika, magkakaroon siya ng immersion doon para sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.

Hindi pa raw sure kung kasama ang makaka-partner niya sa pelikulang ito na walang iba kundi si Alden Richards.

Continue reading below ↓

Sa Hong Kong umano kukunan ang karamihan ng mga eksena, kaya kailangan magkaroon ng immersion doon ang pangunahing karakter.

Inaasahang magsisimula ang shooting sa susunod na buwan, at sa Mayo raw ang tina-target na playdate.

Nagka-casting na sila para sa pelikulang ito, pero maingat daw ang mga staff sa pagbibigay ng impormasyon hangga’t hindi pa nakapaglabas ng kumpirmasyong magsasama nga sa isang pelikula sina Kathryn at Alden.

Abangan natin ang kanilang official announcement!

JERRY OLEA: Sana nga ay matuloy ang KathDen! Excited tayo riyan!

Ibinalita sa atin ni Queen Mother Karla Estrada na may gagawin si Daniel na dalawang pelikula minus Kathryn.

May nakapagbulong sa atin na ang former ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio ang makakasama ni Daniel sa isang film project.

Pero huwag muna nating dalirutin iyon dahil sa Marso 27 na ipalalabas ang movie ni Charo with Bea Alonzo na Eerie.

Si Maine Mendoza ay may Arjo Atayde na.

Continue reading below ↓

Sabi nga natin noon pa—Goodbye, AlDub! Hello, ArDub! Or should I say ArMaine?!

Kaya welcome na welcome sa atin ang tambalan nina Kathryn at Alden!

NOEL FERRER: Need I say more?

If it’s from the TROIKA, it must be REAL. I rest my case.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bali-balitang pagtatambal nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pelikula, sisimulan na?
PHOTO/S: Noel Orsal / Mark Nicdao for YES!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results