Ara Mina, libreng pinatira sa bahay niya si Deborah Sun

by PEP Troika
Mar 7, 2019
PHOTO/S: Jerry Olea / @therealaramina Instagram
Article Summary

Ara Mina, libreng pinatirahan ang kanyang bahay kay Deborah Sun

JERRY OLEA: Abot-langit ang pasasalamat kay Ara Mina ng dating aktres na si Deborah Sun, ina ng dating young actor na si Jam Melendez.

"Sa March 26 or 28, magtatatlong taon na akong nakatira nang libre sa bahay ni Ara sa Cubao, Quezon City," lahad niya.

Nakatsika ko si Deborah sa lamay ni Marie Balbacui, nitong Marso 6, Miyerkules ng gabi, sa St. Peter Memorial Chapels, Quezon Avenue corner Sct. Chuatoco St., Quezon City.

Continue reading below ↓

Ani Deborah, tinawagan siya ni Ara nang nabalitaan nitong lubog siya sa problema. Hindi nga niya ito agad nabosesan.

"Nakasama ko si Ara sa isang teleserye pero hindi ko siya nakabarkada," kuwento pa ni Deborah.

"Nagulat ako nang tawagan niya ako at mag-offer siya sa akin ng bahay. Sabi ko, 'Anak, magkano?'

"Ang sabi niya, 'No, Tita! Wala kang babayaran. Bayaran mo lang ang kuryente, tubig, association, ganun-ganun!'"

Hindi lang iyon ang naitulong ni Ara kay Deborah.

"Minsan, binati niya ako, 'Happy Mother's Day, Tita!' E, may anak akong nakakulong.

"Sabi niya, 'Tita, dalaw ka sa anak mo!' Sabi ko, 'Ayoko.'

"Tanong niya, 'Bakit?' Sabi ko, 'Kasi, wala akong dala.'

"'Ano bang gusto ng anak mo?' 'Spring chicken sa Max's saka kare-kare.'

"Sabi niya, 'Sige, Tita, dumalaw ka.' Nagpadala siya. Binigyan ako ng PHP1,500.

"Nung kelan lang, nangumusta siya. Sabi ko, 'Eto, masama ang pakiramdam!' Ayun, binigyan niya ako ng pandoktor!

Continue reading below ↓

"Hindi mo kailangang humingi sa kanya. Kusa siyang nagbibigay!"

Kaya marahil hindi rin nauubusan ng blessings si Ara.

Kasama si Ara sa cast ng pelikulang The Last Interview: The Mayor Halili Story na magpe-premiere sa Marso 10, Linggo, 8 P.M. sa SM Lipa, Batangas.

NOEL FERRER: Nakakatuwa ang mga ganitong kuwento ng kabutihang loob.

In fairness kay Hazel, tawag namin kay Ara, ano man ang mga balitang ipinupukol sa kanya, alam naming may mabuti siyang puso.

Kapatid ko 'yan kay Sharon Cuneta. 'Yan ang mananatili kong pagkakakilanlan kay Hazel.

GORGY RULA: Likas naman kasi talagang mabait si Ara.

Wala siyang mean bone, sabi nga nila. Kahit may tampo 'yan sa 'yo, batiin mo lang, wala na sa kanya yun, nakakalimutan na niya.

Nakakatuwa at may Ara pang tumutulong kay Deborah. Kasi, ang ibang dating tumutulong kay Deborah ay tila nagsawa na rin.

May isang aktres na mukhang naubos na ang pasensiya sa pagtulong dahil, tingin niya, naabuso na siya.

Continue reading below ↓

Pero kung babanggitin mo ito kay Deborah, iba rin ang kuwento niya na parang may bahid din ng katotohanan.

Ewan ko kung sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo.

Hindi ko na sasabihin kung sino itong aktres at baka mabuhay na naman ang isyu nila noon ni Ara.

Pero sa totoo lang, sana, maayos na rin ni Deborah ang buhay niya dahil hindi naman laging may isang Ara Mina na willing tumulong sa kanya.

Hanggang kailan siya titira sa bahay ni Ara?

Hindi naman siguro forever nang ipapagamit ito sa kanya. Naghahanap ba siya ng ibang matitirhan?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Jerry Olea / @therealaramina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results