Pagmumura ni JK Labajo sa stage, hindi big deal?

IMAGE Gorgy Rula

JERRY OLEA: Naka-92M views na sa YouTube ang official music video ng kantang "Buwan" ni JK Labajo.

Certified 2X Platinum na ito—umabot sa 30,000 album adjusted units ang nabenta.

Sa poster at billboard ng Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music, una ang kanyang pangalan.

Hindi magkamayaw ang audience sa performance niya noong Marso 1, Biyernes ng gabi, sa Circuit Makati.

Kaso, may manonood na nambastos sa kanya. Paulit-ulit ang sigaw nito, “I love you, Darren!”

E, matindi ang sigalot nila ni Darren Espanto, di ba?

Nagmura at nag-dirty finger si JK sa nambastos sa kanya.

Tila hindi alintana iyon ng audience, na tuwang-tuwa sa kanyang performance.

Siyempre, na-video ang pagmumura ni JK. Nai-report sa iba’t ibang platform ng media.

At may mga nagparunggit, kesyo lumikha ng monster si Bamboo sa katauhan ni JK.

Kesyo one-hit wonder lang ito at malalaos na. Kesyo ito ang bagong Baron Geisler ng local showbiz. Baron of Pinoy Rock?!

Well... ang pakiwari ko, JK has the making of a Pinoy rock superstar.

At ang sagot ni JK sa Instagram para sa kanyang detractors:

“Wag ka manghusga ng tao dahil lang sa mga video na nakikita mo. Lalo na kung hindi mo alam ang tunay na konteksto.

“Tsaka hindi porket nagmumura, masama na ang ugali. Lumaki na ang ulo.

“Linis-linis niyo naman. Mga santo pala kayo.

“Sa Pilipinas lang pinaka big deal pag nagmura ang isang artist. Bakit kaya?

“I’m a chill guy but then for sure, hindi lang ako ang tao na napupuno rin. Obviously as a performer, what I did was unprofessional but as a human being, I think what I did was normal.

“Yun yung problema eh sobrang daming mga bastos at walang modo sa mga shows. Naghahanap ng paraan para mapansin. Mga asal hayop.

“Kaya pala hindi umuunlad ang ating bansa.

“Tsaka oo nga pala. People need to learn that there are different personalities that me personally as an artist have.

“The me offstage, and the motherfucker you see on stage.

“I’d rather have you judge me if you know me well. If you know me personally. If you’ve been with me and my band somewhere na wala kaming ganap.

“Mahirap na magaya kayo sa iba na kung ano ang nakikita sa mga video na kumakalat, grabe na agad makapanglait. Na kung ano ang chika chika na narinig, grabe na agad makapanghusga.

“LOL all them media peeps publishing things on newspapers like they actually even know what actually went down.

“Were they even there?

“Did they actually see the full performance?

“It was all an act ffs. Yeah of course we got pissed off a bit but we, the band, as usual, just made fun of it.

"Ang bilis naman kumagat ng mga haters and newspapers.”

NOEL FERRER: Pagmumura (and even lying) seems to be the new normal.

Everything is done and accepted in the guide of “pagpapakatotoo” and keeping to one’s “authentic self.”

Honestly, call me “old school,” pero naninibago ako—and I’m trying to understand where and how everything is coming from and going.

Oh well, times have changed really.

GORGY RULA: Ang reaksiyon ng iba, ang pagmumura at pagdi-dirty finger ni JK ay salungat sa tema ng rock music fest na “Peace, Love & Music.”

Pero huwag daw siyang bansagang "Baron ng Pinoy Rock," na tila kinokonek kay Baron Geisler.

Mas marami pang rakista na mas matindi ang ginagawa.

Marami sa mga nanood ng Rakrakan festival ang natuwa kay JK.

Kuwento ng isang kaibigan na isa sa sponsors sa event na yun, nababaitan sila kay JK.

Pinasuot nila ito ng T-shirt na may tatak ng brand nila, wala siyang arte na isinuot ito.

Dahil sa isyung iyan, lalo pang iinit ang career ni JK at marami ang natutuwa sa angas niya!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN