AlDub Nation, patuloy pa rin ang pag-celebrate ng AlDub weeksary

IMAGE YES! Magazine

JERRY OLEA: Sikat na sikat noon ang love teams na Guy & Pip, at Vi & Bot.

Umariba ang Sharon-Gabby, Maricel-William, at Snooky-Albert.

Nagkaroon din ng Juday-Wowie, Claudine-Rico at Jolens-Marvin.

Ngayong Marso 7, Huwebes, trending pa rin sa Twitter ang hashtag na #ADN190thWeeksary.

Opo, ipinagdiriwang pa rin ng AlDub Nation ang ika-190 weeksary ng tambalan nina Alden at Yaya Dub.

Sa tamang panahon, lilipas din ito.

NOEL FERRER: Basta, I stand by my earlier breaking news na si Kathryn Bernardo ang bagong leading lady ni Alden sa movie with Star Cinema.

Kung sa GMA-7, interesting ang Julie Anne San Jose, ha?!

At hindi na talaga nakapagpigil ang daddy ni Alden at sumagot talaga sa comment na baka leading man ang hanap ng anak niya.

Patol pa ba talaga, Daddy? Affected much?

Deadma na po. You know better!

GORGY RULA: Hindi mo naman maiaalis na masaktan ang magulang sa mga komento ng ilang 'mema' lang.

Pero bakit nga ba nagsi-celebrate pa ng weeksary yung ibang fans, e, tingin ko nga, iba na ang sini-celebrate nina Alden at Maine?

Bakit ba hindi pa rin makalabas sa mundo ng ilusyon ang ilang fans? Kelan pa ba sila gigising?

Ako, bilang isang AlDub fan din, masayang-masaya na ako sa ginagawa nila sa Eat Bulaga! at nakaalis na ako sa mundo ng Kalyeserye.

Ibalik na ‘yan kay Jenny Ferre.

Magkaibigan silang dalawa, at sure ako na masaya sila sa pinili nilang buhay.

Masaya sina Alden at Maine para sa isa't isa.

JERRY OLEA: “This too shall pass.”

Mabait si Alden. Marunong makisama. Matulungin. Nagse-share ng blessings.

There is life after AlDub.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN