Gladys Guevarra, nabiktima ng basag-kotse sa Quezon City

IMAGE Facebook

GORGY RULA: Nabiktima ng basag-kotse ang singer at comedienne na si Gladys Guevarra nitong Marso 7, Huwebes, 6:45 P.M. sa may Granada St., Brgy. Valencia, Q.C.

Umiiyak si Gladys nang nakausap ko sa telepono.

Kauuwi lang daw niya at doon lang nag-sink in ang takot sa nangyari sa kanya.

Mabuti na lang at wala raw nakuha sa kanya dahil pagkatapos basagin ang salamin ng kotse niyang Ford Explorer, hindi matulak-tulak ng mga suspek ang salamin nito dahil matibay.

Nakita iyon ni Gladys sa CCTV pagkatapos niyang magpa-blotter sa police station.

Base sa nakita niya sa CCTV, isang lalaki at babaeng naka-motor ang gumawa ng krimen.

Nasalubong pa raw niya ang dalawa nang pabalik na siya sa kotse.

Sabi raw ng mga pulis, mabuti na lang at hindi niya naabutan na binabasag ang salamin ng kotse niya dahil kung nagkataon, baka kung ano pa ang nangyari sa kanya.

"Mabuti at walang nakuha sa loob ng kotse, pero naiiyak ako, kasi bakit hindi sila magtrabaho nang maayos, di ba?

"Ako, nanahimik ako, nagpa-therapy lang ako, pagbalik ko, yun na nangyari sa kotse ko.

"Alam mo yung maabala ka pa?" umiiyak na pahayag ni Gladys.

Kilala raw ng mga pulis ang bumasag ng kotse niya, at matagal na raw at large ang mga ito.

Kaya sana, mahuli raw ang mga itong miyembro ng sindikato.

JERRY OLEA: Salamat sa Diyos at ligtas si Gladys.

Nawa’y mahuli ng mga pulis ang mga ganyang peste sa lipunan!

NOEL FERRER: Do we really feel safe these days?

Akala ko, ‘yan ang sinasabing pagbabagong naganap sa ating lipunan.

Di pa pala tapos ang mga araw ng takot at kawalan ng seguridad. Paano na?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN