Alden Richards, love daw ng Mommy Min ni Kathryn Bernardo

IMAGE Instagram

NOEL FERRER: “Love ni Tita Min si Alden, mabait daw na bata.

"Sabay kasi naging endorsers ng Sterling Notebook sila Kathryn and Alden, kaya nagkasama sila noon sa shows at event ng company."

Ito ang nasagap namin mula sa isang source.

Si Tita Min ang mother ni Kathryn Bernardo.

Mabait si Alden Richards kina Tita Min at Kathryn, marespeto sa kanila.

Kaya naman with these good words, sana ay huwag nang i-bash si Kathryn ng AlDub Nation.

In a sense, sabi ng ilang press na nagmamalasakit din kay Alden, baka si Kathryn pa raw ang magsalba kay Alden sa pag-iwan sa kanya ni Maine (at least professionally).

The truth hurts, but it can set us free—right, AlDub Nation?

JERRY OLEA: Siyempre, excited ang ADN (AlDub Nation) sa guesting ni Alden bukas, Marso 9, Sabado ng gabi, sa Daddy’s Gurl nina Maine Mendoza at Vic Sotto.

Meron ding nananawagang iboykot ang episode na ito. Aling kampo kaya ang mananaig?

GORGY RULA: Matagal inayos ang guesting na ito dahil sa schedule ni Alden.

Gusto ng taga-Daddy's Gurl na pagbigyan ang hiling ng fans. 'Tapos, ibu-boycott?

Sana, punuin ng good vibes ang tandem nina Alden at Maine, huwag yung puro hanash at kanegahan!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN