Teddy Corpuz, nag-react sa pagmumura ni JK Labajo sa Rakrakan

IMAGE Noel Orsal / Instagram

GORGY RULA: “Hindi cool ang rakista na nagmumura,” sabi ni Teddy Corpuz sa presscon ng pelikula niyang Papa Pogi nitong Marso 7, Huwebes, sa 38 Valencia Events Place, Q.C.

Ang tinutukoy niya ay ang pagmumura ni JK Labajo sa Rakrakan 2019 festival noong Marso 1 sa Circuit Makati.

Hindi raw alam ni Teddy kung anong attitude ang gustong palabasin ni JK kapag nagpi-perform.

Pero para sa kanya, hindi tamang murahin ang taong nanonood sa ‘yo kahit ano pang sabihin nito.

Kung sa kanya raw nangyari yun, na may sumigaw ng pangalang nakaaway niya, hindi niya ito mumurahin.

"Kung sa akin gawin yun, tawanan ko na lang.

"Sabihin ko, ‘Uy, thank you, ano, gusto mo ba kakanta pa ako ng kanta niya?" pakli ng soloista ng bandang Rocksteddy.

Minsang nag-perform ang banda niya sa UP, pinakanta siya ng theme song ng It’s Showtime, at pagkatapos nun ay pinakanta rin siya ng theme song ng katapat nilang programang Eat Bulaga, na ginawa naman ni Teddy.

Hindi raw siya nakaramdam ng insulto at hindi siya napipikon sa ganun.

"Sa akin kasi, hindi siya cool.

"Para sa akin, kailangan may respeto pa rin sa iyo ang mga tao, and you would not gain the respect of other people, especially your listeners, kung minumura mo sila o pinipeke mo lang sila," sabi pa ni Teddy.

Nakasama ni Teddy si JK sa isang gig pagkatapos ng insidenteng yun sa Rakrakan 2019, at gusto raw sana niya itong payuhan, bilang matagal na rin siya sa pagpi-perform sa rock concerts.

Hindi lang daw siya ng nagkaroon ng pagkataong kausapin ito.

Thankful si Teddy na dahil sa maganda niyang pakikisama ay wala siyang nakakaaway.

Buo rin ang suporta ng kanyang mga kaibigan sa first movie niyang siya ang bida.

Sa March 20 na ang showing ng Papa Pogi, at talagang todo raw ang pagpu-promote sa social media ng mga kasamahan niya sa It’s Showtime.

JERRY OLEA: Nagpakatotoo si JK.

Tanggap iyon ng napakarami niyang fans.

Andiyan pa rin ang sponsors ni JK. Nababaitan ang mga ito sa kanya.

Lalo pang iinit si JK. Lalampas ang kislap niya sa dilaw na buwan.

NOEL FERRER: Nasusukat ang kahusayan, kabutihan at breeding ng isang tao—not when times are good—but during extreme situations.

Tama si Teddy. Sa ganitong laro, ang mapikon, talo!

Ang nagpapakabait at nagpapakahusay ang mananaig.

Ang malungkot lang ay nae-equatena ang pagmumura at pagiging bargas at magaspang bilang pagpapakatotoo.

‘Yan na ba ang kalakaran sa bayan natin ngayon?

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN