Kylie Padilla, nawala ang antok dahil sa matinding sampal ni Gladys Reyes

by PEP Troika
Mar 8, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Nawala ang antok ni Kylie Padilla nang nakatikim ito ng matinding sampal mula kay Gladys Reyes sa isang eksena sa serye nilang TODA One I Love sa GMA Telebabad.

Bandang 2 A.M. kinunan ang eksena at medyo inaantok na siya noong mga oras na iyon.

Continue reading below ↓

"Nagising po ako nun. Good morning!" natatawang kuwento ni Kylie.

"Feeling ko, nakita niya ako na medyo inaantok na ako, e. Siguro, sabi niya, 'Ahhh, sige...'

"Pero OK naman, kasi nagamit ko sa eksena."

Sabi pa ni Kylie sa naramdaman ng kanyang karakter sa serye, "Naiyak talaga si Jelai."

Siniguro naman ni Kylie na hindi isyu sa kanya ang matinding sampal ni Gladys.

"After nun, itinawa na lang namin. Mas maganda nga minsan na totoo, para hindi mo i-fake," dagdag niyang kuwento nang nakatsikahan namin sa pocket presscon nitong Marso 7, Huwebes ng tanghali, sa Limbaga 77, Quezon City.

Tinawagan ko si Gladys para tanungin kung gaano ba kalakas ang sampal na pinakawalan niya kay Kylie.

"After the scene, siyempre nilapitan ko at niyakap.

"Tinanong ko kung OK ba siya, kasi lagapak talaga at malakas yung tunog.

"Nakakatuwa naman, kasi game siya at napaganda rin sa eksena, pero tawa na kami nang tawa after," sabi ni Gladys sa akin.

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Ruru Madrid, "Parang dumadagundong ang mundo, e!"

Kaya kung puwede lang, ayaw raw ng Kapuso actor na magpasampal kay Gladys.

Si Ruru ay leading man ni Kylie sa TODA One I Love.

"Nakatikim din siya ng sampal, pero daplis lang,” pakli ni Gladys, na nakakaaliw ang ginagampanang karakter sa TODA One I Love.

JERRY OLEA: Mabait si Gladys. Magaling na artista. Hindi siya maldita sa tunay na buhay.

Basta, pag magpapasampal ka, siguraduhin mo na ang kamay na isasampal sa iyo ay walang singsing na may malaking bato.

Otherwise, baka higit pa sa pamamaga ng pisngi ang mapala mo.

NOEL FERRER: It’s all part of the job. At least, OK ang dalawang panig.

Isang karangalang masampal ng isang Gladys Reyes, Cherie Gil, at iba pang primera kontrabida!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results