Gretchen Barretto, nag-comment sa "karma" post ni Ai-Ai delas Alas

Sino ang pinatatamaan ni Ai-Ai delas Alas sa Instagram post niya tungkol sa karma?
by PEP Troika
Mar 9, 2019
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA: Malisyoso lang ba ako sa napansin ko sa post ni Ai-Ai delas Alas sa kanyang Instagram account nitong Marso 9, Sabado?

Ipinost ng Kapuso Comedy Queen ang quote card na: “Keep calm and let karma finish it.”

Ka-side to side nito ang isa pang quote na: “Remember, what you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through.”

Ang caption niya sa naturang post: “Masid masid na lang ako sa yo…heaven na ang bahala sa yo…#silentmode #iknowwhoyouare #noonkapaalamdeadmalang #digitalangkarma.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito ako nagkamalisya sa comment ni Gretchen Barretto: “Am I thinking what you’re thinking”

May emoticons doon na di ko lang ma-gets.

Pero ang dami ring kumuyog kay Gretchen sa comment niyang yun—“sawsaw suka”, negative thinker, at pretentious daw siya.

Bago kasi ang post na 'yan ni Ai-Ai, may post naman si Kris Aquino na may kuha siyang pasa sa bandang likod nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nagkaroon daw siya ng "bad fall," pero itinuloy raw niya ang isang webisode shoot niya ng isang kumpanyang hindi bumitaw sa kanya.

Hindi naman daw siya nagpapaawa sa post niyang yun.

May konek kaya roon, pero baka may iba naman talagang pinatatamaan si Ai-Ai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkaroon lang kasi ng malisya nang mag-comment sa post na yun si La Greta.

NOEL FERRER: As they always say, this is a free country—at malaya si Ai-Ai o sinumang mag-post ng gusto niya.

Kung magkampihan man sila ni Greta, siguro naman ay matanda na sila at mapapangatawan nila ang kanilang mga posisyon na wala silang care sa public opinion.

As for Kris, I suppose she’s well aware of what she is doing.

I hope, hindi dumating ang oras na mapagod sa kanya ang kanyang advertisers at audience.

Medyo I want to be indifferent sa issue na ito dahil may umay factor kasi. Happy weekend!

JERRY OLEA: Kuwaresma na. Panahon ng pagtitika at pagninilay-nilay. Ang lahat ay may dahilan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results