Heart Evangelista, pang-international ang mga pelikulang ginagawa

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Nakatapos na si Heart Evangelista ng isang international movie.

Sa Setyembre magsisimula ang promo nito abroad.

“It’s not for here, pero hopefully, lumabas din siya rito!” bulalas ni Heart nang makausap namin sa launch ng Love Marie x Kamiseta collection nitong Marso 9, Sabado, sa Trinoma, Quezon City.

“Kasi, I really wanna show Filipinos what I did.

“Sobrang hirap! I’ve never done anything like this in my life. So, it was very physically tiring.”

Next month ay pa-Amerika uli si Heart para sa isa pang international movie.

Isang buwan siya magtatagal doon.

“Grabe nga, hindi ko nga alam! At 34, parang nagulat ako,” sambit ni Heart habang hinahaplos ang buhok.

“Parang hello! Ba’t nagdatingan ang ano?

“But you know... ang galing, nakakatuwa!”

Wala munang teleserye si Heart sa Kapuso Network ngayong 2019, pero mag-i-StarStruck pa siya.

Magpo-focus muna siya sa iba pang pinagkakaabalahan niya, gaya ng paghahanda ng bagong collection for Kamiseta, at pangangampanya para sa asawa.

“It’s great that I’m with GMA. They understand my job,” matamang pakli ng aktres.

“Before, they want me to prioritize soaps. Now they see the bigger picture. They’re very supportive!

“Grabe sila!”

GORGY RULA: Sa lahat ng endorsers ng Kamiseta Collection, mukhang mas gustung-gusto talaga nila si Heart dahil binigyan pa siya ng posisyon bilang Creative Director.

Yun pa naman daw ang gusto noon ni Kris Aquino na isa rin sa mga endorsers ng naturang produkto.

Si Gretchen Barretto ang ipinalit kay Kris, pero hindi nagtagal iyun, dahil napunta na kay Heart.

Malaking bagay kasi ang mga magagandang paintings na gawa ni Heart na kung saan doon siya nakipag-collaborate para magamit ang lahat na mga nagawa niya.

Bagay sa Kamiseta ang paintings niya.

JERRY OLEA: Tuloy pa rin ang pagpipinta ni Heart sa mga bag kahit may nagki-criticize sa kanya.

“OK lang, you can’t please everyone,” mabining pakli ni Heart.

Inirampa ng walong female models ang mga damit at scarves na may paintings ni Heart.

“I’m very happy, siyempre, dahil pinaghirapan ko rin yung mga painting.

“And to be officially part of Kamiseta is such a huge deal for me,” nakangiting pahayag ni Heart.

Nitong Sabado lang inilunsad si Heart bilang creative director ng Kamiseta.

“Miss Cris [Roque, may-ari ng Kamiseta] and I, we’ve been collaborating with the looks, the store, the dresses.

“So, matagal na rin.”

Masaya si Heart na may narating ang “kaartehan” niya!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN