Direk Neal Tan, inalala ang most daring scene sa pelikula ni Chokoleit

by PEP Troika
Mar 10, 2019
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA: Bago ang French kissing nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa digital movie na Glorious (Nobyembre 2018), may kissing scandal (Pebrero 2017) na si Chokoleit sa isang lalaki.

At bago pa ang kissing scandal na iyan, may sex scene na si Chokoleit sa pelikulang Tarima (2010) na nagtampok din kina Fanny Serrano, Rocky Salumbides, at Gloria Romero, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Direk Neal nang maka-chat ko sa Messenger nitong Marso 10, Linggo ng bukang-liwayway, “Yung scene na yun is the reason why Chokoleit’s character was sent to jail.

“Pumick-up siya ng callboy sa may Quiapo. Matangkad yung guy, guwapo, super-yummy!

“Matapos niyang hadain, siya naman ang gustong magpahada. Tumanggi ang callboy.

“Noong bayaran na, ayaw magbayad ni Chokoleit ng pinag-usapan nilang amount kaya nagwala ang callboy, naglabas ng panaksak.

“Instead na papatayin si Chokoleit, siya ang nakapatay sa callboy. Ang ending, nakulong ang bakla kaya dinadalaw siya ni Fanny sa Manila City Jail.

“Bongga ang sex scene na yun ni Chokoleit. Walang kiyeme ang guy sa eksena, hubad kung hubad, laplapan talaga.

“Shocked nga ako dahil hinayaan ko lang sila. Sobrang init kasi at sikip ng motel sa Quiapo.

“It was Chokoleit’s most daring scene at sobrang enjoy siya while doing it.”

Continue reading below ↓

Sa pagkaalam ko ay iyon lang ang sex scene ni Chokoleit sa career niya bilang artista.

“Super-enjoy akong ka-work si Chokoleit,” paggunita pa ni Direk Neal.

“Siya ang nagdala sa comic scenes, pambalance sa drama nina Fanny at Tita Gloria.

“Very professional si Chokoleit. Laging maaga sa set. Laging ready, walang arte, walang kiyeme sa loob ng kulungan.

“Sobrang saya ng shoot namin sa Manila City Jail kahit crowded doon. Very supportive ang inmates.”

NOEL FERRER: Napalapit si Chokoleit sa ating Megastar Sharon Cuneta nang halos siya na ang tumayong jester ng show nito noon.

Pati kampanya ni Kiko Pangilinan ay nakakasama ko noon si Chokoleit.

Ano nga ba ang tatak ni Chokoleit sa ating industriya?

Maliban sa pagiging magaang katrabaho base sa testimonya ng mga tao, it must be his self-deprecating humor that separates him from the rest.

Imbes na iba ang pagtawanan at laitin niya, pinauso ni Chokoleit ang pagpapatawa sa pamamagitan ng pang-ookray sa sarili.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Ni-request mismo ni Fanny kay Direk Neal na kunin si Chokoleit para gumanap na best friend niya sa pelikulang Tarima.

“It’s simply because I am a fan of him,” sabi ni Fanny.

“He is a natural actor and sooo fun to be with every shooting day we had.

"Sa totoo lang, madalas akong nati-take two dahil sa hindi ko napipigilan ang matawa sa adlibs na ibinabato every time may mga eksena kaming dalawa.

“Feel na feel niya akong pini-playtime, but in real life naman, feel na feel niya rin ang paglalaro ko sa kanya pag wala na kami in front of the camera.

“I will surely miss him. Sayang at nauna na sya dahil I will be doing an indie gay film soon and I am planning to ask for him again as my bestie.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results