JERRY OLEA: Nagpasintabi ako kay John Estrada kung puwede siyang mahingan ng comment sa paglipat ni Mylene Dizon sa Kapuso Network.
Mabilis na sumagot si John na OK lang yun.
“May pamilya yung tao, e. Siyempre naman, e, hindi naman tayo, di ba?
"I mean, siyempre trabaho ‘yan, e,” malumanay na lahad ni John nitong Marso 11, Lunes, 12:12 A.M., sa SM Lipa (Batangas), matapos ang premiere at Q&A para sa pelikulang The Last Interview (The Mayor Antonio Halili Story).
“I’m sure, kailangan niya ng trabaho, di ba?”
Natawa si John nang biruin ko na, buti, hindi niya hinarang ang pag-over-da-bakod ni Mylene.
“Wala po tayong ganyan! I’m too blessed to do that,” aniya.
Naramdaman ba niyang “sinundan” siya ni Mylene?
“Sino?!” pagkunot-noo ni John.
Ikaw!
“Aba! Bahala siya! Ha! Ha! Ha! Ha!”
May kontrata si John sa GMA-7, pero mas mabuti para sa kanyang huwag silang pagsamahin ni Mylene sa isang show.
“Hindi naman sa ayaw, pero huwag na, di ba? Andami naman diyan na pwede niyang makasama,” malumanay pa ring pahayag ni John.
“At puwede kong makasama, di ba?”
NOEL FERRER: Tama naman, trabaho lang. Pagbutihin na lang nila.
At sa aspetong personal, I think same-same, the feeling is mutual! Move on na sila.
GORGY RULA: Bahagi pala ng Sahaya si Mylene Dizon.
Ang sabi ni John, mabuting hindi na lang muna sila magsama sa isang project ng GMA-7.
Kaninong choice kaya yun? Kay John, o isa ‘yan sa kundisyon bago pumasok si Mylene sa Kapuso network?
Tingin ko naman, maayos silang dalawa.
Pero ang naintriga ako, bakit lumipat si Mylene sa GMA-7? Hindi naman siya nawawalan ng show sa ABS-CBN.
Sana, linawin ni Mylene ‘yan sa presscon ng Sahaya mamayang gabi.