Bianca King, boyfriend na ang bayaw ni Iza Calzado?

by PEP Troika
Mar 11, 2019
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Maraming nagtatanong sa akin tungkol sa lumabas na IG Story ni Iza Calzado this weekend, kung saan kasama nila ng asawa niyang si Ben Wintle ang kapatid nitong si Ralph Wintle at ilang celebrities.

Sa naturang video clip, nandoon sila sa isang resort sa may Nasugbu, Batangas area na nagtapos sa Pico de Loro.

Nag-celebrate si Ralph ng birthday niya kasama sina Bianca King, Rhian Ramos, at isa pang foreigner-friend.

Tinanong ko tuloy ang alaga kong si Izadora, sa kanyang endorsement shoot ngayong araw, March 11, kung ang bayaw niyang si Ralph at si Bianca na.

Continue reading below ↓

Sabi ni Izadora, "Mukha naman silang masaya..."

Ang gusto yata ni Iza ay mismong sina Bianca at Ralph ang magsalita imbes na siya.

Maliban sa mga endorsement shoot ni Iza, abala ito sa promo ng Mystified na project nilang mga Sang'gre na ipapalabas na sa iFlix bago matapos ang March.

Sisimulan din niya ang Cinemalaya movie na Pandanggo sa Hukay. May annual convention sila ng grupo niyang She Talks Asia sa March 16, at isa sa special guests nila ay ang ninang niyang si Judy Ann Santos-Agoncillo.

JERRY OLEA: Thirty-three years old na si Bianca. Nasa tamang edad at estado na para bumuo ng pamilya.

Her biological clock is ticking.

Hindi na siguro sila matsitsismis ni Rhian na may something pag nakumpirmang magkasintahan na sila ni Ralph.

GORGY RULA: Mabuti naman at napag-usapan uli si Bianca King. Ang tagal na niyang nanahimik.

Wala na pala sila ng matagal na niyang boyfriend na kapatid ng isang pulitiko sa Bicol?

Continue reading below ↓

Samantala, bukas ng hapon pala ay may presscon na ang Mystified.

Baka mapilitan na roon si Iza na magkuwento tungkol kay Bianca at sa bayaw niya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results