Mylene Dizon, hindi gustong makatrabaho si John Estrada sa GMA-7

IMAGE Rachelle Siazon

GORGY RULA: Kinarir ng buong team ng bagong GMA-7 drama series na Sahaya ang pagtutok sa press people na dumalo sa media conference nitong Marso 11, Lunes ng gabi, sa Matrix Creation Events sa Quezon City.

Maraming mga isyung kinasangkutan ng stars involved na iniiwasan na lang pag-usapan, dahil mas gusto nilang mag-focus sa Sahaya, na impressive ang AVP na ipinakita at idinirek ni Zig Dulay.

Bahagi sa seryeng ito si Mylene Dizon na gumaganap bilang ina ni Sahaya, ang title role na ginagampanan ni Bianca Umali. 

Ipinakiusap na mismo ni Mylene na huwag nang pag-usapan ang isyu sangkot si John Estrada, na nasa Kapuso network din.

Pero isiningit ko pa ring itanong kung okay lang ba sa kanya ang posibilidad na magsama sila ni John sa isang proyekto ng GMA-7.

"I don’t think so," prangkang pakli ng aktres.

"Alam mo naman ako, I'm one project at a time. Hindi ko naman… Hindi ko rin alam, e.

"Yung huli kong project na The Good Son, almost one year akong nagpahinga, mga eleven months," dagdag niyang pahayag.

Huli nagkatrabaho sina Mylene at John sa ABS-CBN prime-time series na The Good Son noong last quarter of 2017 hanggang first quarter of 2018. 

Gustung-gusto ni Mylene ang konsepto ng Sahaya, at kakaiba ang role na ginagampanan niya rito, kaya niya ito tinanggap.

Pagkatapos nitong Sahaya, hindi pa niya alam kung may kasunod ba siyang project sa GMA-7, dahil gusto rin niyang tumutok sa kanyang mga anak.

"I don’t know when to work again. Right now, inaasikaso ko yung mga anak ko. Kasi, yung panganay ko, teenager na.

"So, biglang na-realize ko, naging teenager siya na nagti-taping ako na nagti-taping.

"I don’t know what's going to happen in the future, whatever is going to be offered or if ever I'm going to work again. I don't know.

"Alam mo naman ako, I go where the work is," sabi pa ni Mylene.

Sinundan ko pa rin ng tanong na kung sakaling magkasalubong sila ni John Estrada sa GMA-7, ano kaya ang gagawin niya.

"I don't know actually! I don’t know. I don’t know!" sagot niya na parang naghahanap pa siya ng ibang mas safe na sagot sa akin.

Napalagpas na ba niya ang isyung ito? Nakapagpatawad na ba siya sa nangyari sa kanila ng aktor?

"E, hehehe, next topic naman," umiiwas na pakiusap niya sa akin.

JERRY OLEA: Kapwa beterano na sa industriya sina John at Mylene. Pareho silang mahusay. Hindi sila mawawalan ng offer. Hindi nila kailangan ang isa’t isa.

Tinawanan na lang ni John ang biro ko sa kanya na "sinundan" siya ni Mylene sa Kapuso Network.

May kontrata si John sa GMA-7. Pag nag-expire ang kontratang iyon, posibleng bumalik siya sa ABS-CBN.

Ipinangako niya sa kanyang Ninang Boss na si Tita Cory Vidanes na hindi siya mag-e-exclusive sa GMA-7, kaya may chance na maging Kapamilya siyang muli.

NOEL FERRER: Well, as we speak here, Mylene is part of an ABS-CBN Digital Project under Dreamscape entitled Don't Call Me Tita, to be directed by Andoy Ranay. 

Kasama niya sa cast sina Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Joanna Ampil, Angelica Panganiban, at marami pang iba.

Proof na truly, hindi lahat ng tumatawid, namamatay; lalo pa’t maayos ang dinaraanan at bawa’t hakbang!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN