JK Labajo, in demand pa rin kahit kontrobersiyal

IMAGE Gorgy Rula

JERRY OLEA: Naudlot ang showdown sana nina Bamboo at Juan Karlos “JK” Labajo sa 6th Lubao International Balloon and Music Festival (LIBMF) na nakatakda sa Abril 5-7 sa Pradera Verde sa bayan ng Lubao, Pampanga.

Hindi kasi swak ang schedules nila.

Abot sana sa buwan ang rakrakan nina Bamboo at JK!

Sa unang gabi (Abril 5, Biyernes) magpe-perform si JK, along with I Belong To The Zoo, Ben & Ben, and December Avenue.

Hahataw sa 2nd night (Abril 6, Sabado) sina Al James, Shanti Dope, Gloc 9, at apl.de.ap.

Pasiklaban sa 3rd night sina Bamboo, Moira de la Torre, at This Band.

Nag-crowd sourcing ang organizers para mabuo ang line-up na iyan. Municipal Government, PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office), SM, at Remax.

Iyong 27 iba pang mga lobo ay mula sa 18 bansa.

Sa mga gustong manood, available na po ang tickets sa SM — P350 sa bawa’t araw.

GORGY RULA: Maraming singers na mas sikat ang kanta kesa sa kanila.

Isa sa halimbawa rito ay si JK Labajo.

Kaya siya lalong sumikat dahil sa kanyang kantang "Buwan."

Pero mukhang sumasabay si JK sa pagsikat ng "Buwan" dahil sa attitude niyang pinag-uusapan.

Kahit sabihin pang hindi magaganda ang isyung kinasangkutan niya, lalong nagkainteres sa kanya ang mga tao.

Kaya ang isang kaibigan kong naka-base sa Amerika, atat na atat nang i-produce ng show si JK sa San Francisco, California, dahil hanggang doon ay hit na hit sa mga Pinoy ang kantang "Buwan."

Sinubukan kong makipag-usap sa MCA na siyang nagha-handle ng schedule ng batang rakista, ang hirap sumingit sa schedule niya.

Nakakaloka!

NOEL FERRER: Nakaranas na ako ng Hot Air Balloon Festival sa Lubao, at napadaan na riyan sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli noong nakaraan.

Sagana sa food & souvenirs bazaar, may activities for kids—Zookobia at Inflatables, may fireworks display, meron ding cultural show, magicians, at paramotor exhibition.

Noong nagpunta ako, tumigil sandali at nagkaroon ng seremonya sa pagdating ng isang presidentiable na ngayo’y tumatakbo na bilang senador.

Dumating din noon sina Vicki Belo at Hayden Kho.

This year kaya, sinu-sino ang mga celebs na makakapunta? I’m sure, susuporta si Maja Salvador!

Exciting ‘yan!

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN