JERRY OLEA: Number 1 program kung weekend (Sabado at Linggo) ang World of Dance Philippines ng ABS-CBN, ayon sa Total Philippines (Urban + Rural) ratings ng Kantar Media.
Noong Marso 2, Sabado, naka-30.5% ang World of Dance Philippines, kontra sa 18.9% ng katapat na Daddy’s Gurl sa GMA-7.
Noong Marso 3, Linggo, naka-31.1% ang World of Dance Philippines, kontra sa 14.4% ng Studio 7 ng GMA Network.
Noong Marso 9, Sabado, naka-30.1% ang World of Dance Philippines, kontra sa 17.6% ng Daddy’s Gurl kung saan guest si Alden Richards.
At nitong Marso 10, Linggo, naka-32.2% ang World of Dance Philippines, kontra sa 13.1% ng Studio 7.
Kumusta naman kaya ang rating sa AGB Nielsen ng Daddy’s Gurl episode last Saturday?
GORGY RULA: Ayon sa AGB NUTAM, wagi ang Daddy’s Gurl na nakapagtala ng 11.3% laban sa World of Dance na nakakuha ng 10.9%.
Wagi pa rin ang Pepito Manaloto na naka-10.2%, laban sa Home Sweetie Home na 6.7%.
Pati nga ang Magpakailanman na medyo mapangahas ang kuwento at mala-soft porn na raw ang dating ay naka-13%, laban sa Maalaala Mo Kaya na 10.2%.
Noong Marso 10, Linggo, ay tinalo ng ASAP na naka-6% ang Sunday Pinasaya na naka-5.8%.
Pero kinagabihan ay umariba ang programa ng GMA-7 mula sa 24 Oras na 5.3%, laban sa TV Patrol na 5.1%.
Consistent pa ring mataas ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na 7.6%, laban sa Goin’ Bulilit na 5.4%.
Wagi pa rin ang Kapuso Mo Jessica Soho na 14.7%, laban sa Rated K na 8.9%, at PBB Otso na 5.4%.
Ang laki rin ng agwat ng The Boobay and Tekla Show na 5.3%, laban sa Gandang Gabi Vice na 3.9%.
JERRY OLEA: Sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong Marso 9, Sabado, naka-20.9% ang Home Sweetie Home, kontra sa Pepito Manaloto na naka-20.5%. Maliit ang diperensya!
Ang "Painting" episode ng MMK ay naka-25.8%, kontra sa 19.8% ng “Huwag, Ate! Huwag, Bayaw!” episode ng Magpakailanman kung saan tampok sina Kim Rodriguez, Rodjun Cruz, Ervic Vijandre, at Faith da Silva.
Noon namang Marso 10, Linggo, ang ASAP Natin ‘To na nagpugay kay Chokoleit ay naka-15.8%, kontra sa Sunday Pinasaya na naka-8.2%.
Taob pa rin ang Rated K na naka-22.7%, laban sa Kapuso Mo, Jessica Soho na naka-23.7%.
Ang Gandang Gabi, Vice ay naka-8.7%, kontra sa The Boobay And Tekla Show na naka-6.8%.
NOEL FERRER: Papaniwalaan ng mga tao ang ratings base sa kung ano ang pinanonood nila siyempre.
Ako, pagandahan na lang ng kalidad ng palabas lagi.
Yung tipong... ito bang panooring ito ang mananatili at maaalala ng mga tao bilang kapaki-pakinabang sa paglipas ng panahon?
HUWAW! Salat tayo sa ganyan ngayon. Sayang!