Chokoleit, nagbilin sa mga kaibigang artista na ipa-cremate ang labi niya

IMAGE Allan Sancon

JERRY OLEA: Hindi agad nakasagot ang half-brother ni Chokoleit na si Gerald Tabanag nang kumustahin namin sa kanya ang komedyante bilang kapatid.

“Ahhh... paano ba?” sambit ni Gerald, sabay hawak sa dibdib nang makausap namin sa first night ng lamay ni Chokoleit, Marso 11, Lunes, sa isang punerarya sa Antipolo City.

“Ano, e... paano ko ba sasabihing kapatid? Ahh... walang... siya na yung tumayong ano namin.

“Since we didn’t have a father kasi, wala na... siya na... siya na ang tumayong pillar ng family namin.

“Even up to this day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkapatid sa ina sina Chokoleit (Jonathan A. Garcia sa totoong buhay) at Gerald.

Patay na rin ang kanilang ina.

Sa Makati City nakatira si Gerald. Kung weekend siya pumupunta sa bahay ni Chokoleit sa Town and Country Homes sa Cainta, Rizal.

Kasama ni Chokoleit sa bahay ang isa pang younger brother nila, at mga alagang aso.

Kumusta na yung doggies?

“Meron nang may-ari nung apat na puppies na bago. May mga may-ari na talaga yun,” lahad ni Gerald.

“Prior pa. May close friends na siya na may-ari.

“Iyong lima pang aso, sa akin na ang mga yun. Anak niya ang mga yun, e.

"Ganun ang turing niya sa mga yun, e.

“So I have to take care of them.”

Palaging pinapatawa ni Chokoleit si Gerald kahit noong mga bata pa sila noon sa Davao.

Bittersweet ang smile ni Gerald, “Magkasama kami when we grow up. Sa mga kalokohan.

"Siya yung lahat, e, nagturo sa akin. Yung mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those are the fondest memories na... ano siya, e, yung parang... very witty.

“I was Grade 1... Grade 3 siya noon, sumakay kami ng jeep.

"'Tapos, sabi niya sa akin, ‘Eto, walang papara! Kung sino ang papara, kukurutin!’

“E, siyempre, yung... malayo na kami sa bahay. Paanohan kami... paanohan kami na walang papara daw.

“E, nung... walang pumara na hanggang malayo na talaga kami, ang layo na talaga hanggang hindi ko napigilan, ako ang pumara.

“So, kinurot niya ako! Tuwang-tuwa siya dun!

“Naglakad kami pauwi. Tatlong oras yun pauwi... galit na galit si Mama!”

NOEL FERRER: Kitang-kita sa kamatayan ni Chokoleit ang pagpapahalaga sa kanya ng kanyang mga kapamilya at kaibigan.

I’m sure, in the coming days, lalo pa nating hahangaan at mamahalin si Chokie sa little-known stories of kindness at love niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JERRY OLEA: Aware si Gerald sa tagubilin ni Chokoleit sa mga kaibigan na ipa-cremate ang remains nito.

Napangiti muli si Gerald, “Just in case daw, pag namatay daw siya... kina Pooh, kina Vice [Ganda]... nagsabi daw na i-cremate daw.

“Nagbiro pa nga raw na pagka-cremate daw... yung abo, ibubudbod daw sa pansit...”

Sa Huwebes, March 14, ang huling gabi ng lamay kay Chokoleit sa Antipolo.

Sa Biyernes, March 15, ay iuuwi ang mga labi niya sa Davao.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close