Pokwang, unti-unti nang natatanggap ang pagkamatay ni Chokoleit

IMAGE Jerry Olea

JERRY OLEA: Present pa rin sina Vice Ganda, Pokwang, K Brosas, Pooh, Roxy Liquigan, at Mico del Rosario sa second night ng lamay ni Chokoleit, 48, nitong Marso 12, Martes, sa isang punerarya sa Antipolo City.

Absent si John “Sweet” Lapus dahil may taping.

Andami nang pagkain sa second night. Meron pang beer. Pero ubos na yata ang juice.

Andami-daming wreath of flowers! Pabonggahan! Karapat-dapat sa Mahal na Reyna!

Kinumusta ko si Pokwang sa ikalawang gabi ng burol.

“Medyo humuhupa-hupa na,” kalmadong tugon ni Pokwang.

“Medyo sumi-sink in na sa amin na totoo na talaga ‘to.

“This is it! Wala na!”

Nabuo na ba iyong programa at line-up ng performers para sa Thursday night, iyong huling gabi ng lamay ni Chokoleit sa Antipolo?

“Hindi pa kami ano! Hindi pa... Hindi po muna namin iniisip yung Thursday!” maigting na bulalas ni Pokwang.

“Kasi, para sa amin, yun na... ano na yun, e! Ultimatum na yun! Good-bye na talaga yun!”

Nakita sa second night kung sinu-sino talaga ang mga kaibigan ni Chokoleit.

“And nakikita mo talaga, andami talagang nagmamahal talaga sa kanya,” sambit ni Pokwang.

“In fact, may mga follower siya, mga nagmamahal kay Chokie na gustung-gusto siyang makita.”

Kaya lang, nakiusap si Sweet na huwag nang i-announce dahil relatively maliit ang punerarya. Mahirap makuyog...

“Kaya nga, maliit yung lugar, e. Baka mamaya, hindi na ma-accommodate lahat,” mabining pagbuntung-hininga ni Pokwang.

“For safety na lang din ng lahat. Kasi, maliit din lang itong lugar. So yun.”

NOEL FERRER: Kitang-kita na well-loved si Chokoleit. Si Chokie at hindi si Pooh, ha?!

Ngayon ko lang kasi napanood ang video ni Winnie Cordero sa UKG na ininterbyu ang nagdadalamhating si K Brosas.

Bilang malapit na kaibigan si K, hiningan siya ng mensahe para sa yumaong kaibigang si Pooh.

Parang umurong ang tumutulong luha ni K at sinabing, “Huwag niyo na pong dagdagan ang namatay kong kaibigan.

"Si Pooh po, baka nanonood ngayon dahil kauuwi rin lang namin."

Naging light na ang nakakalungkot na nangyari.

Punung-puno siguro ng ganoong saya bukas, (Huwebes) ng gabi, sa mga kaibigan ni Chokie, sa likod ng katotohanang wala na siya.

JERRY OLEA: Ipoprodyus sana ni Joed Serrano ang concert ng Funtastic Four (Chokoleit, Pokwang, K Brosas, & Pooh) sa Araneta Coliseum.

Kapwa nag-solo show sina Chokoleit at Pokwang sa Jack & Poy comedy bar ni Joed sa Tarlac.

uwento ni Pokwang, “Nag-usap kami ni Joed. Kasi, nagpunta ako sa comedy bar niya. Sa Jack & Poy!

“Sabi niya, ‘Grabe, Mamang! Kayong dalawa pa lang ni Chokoleit ang nakakapuno ng venue na ‘to!’

“Nauna si Chokie na mag-show, one week or two weeks ba?!

“'Tapos, sabi ni Joed, ‘Sige, Mamang! Iprodyus ko yung apat kayo, yung Funtastic Four!’

“Sabi ko, ‘Sige! Madali namang kausap yung mga bakla!’ ‘kako. Sige... pinaplano na nga, mag-Araneta. Eeehhhh!”

Itutuloy pa ba yun? O gone in 60 seconds na?

Napakunot-noo si Pokwang, “E, ang hirap maghanap ng kapalit ni Chokie, e! Nag-iisa ‘yan, e!”

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN