JERRY OLEA: Wish ko lang na i-replay ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ang life story ni Chokoleit, 48, Jonathan Aguilar Garcia sa totoong buhay.
Si Chokoleit mismo ang lumabas sa episode entitled Comedy Bar, na ipinalabas noong Abril 22, 2004.
Tumatak noong panahong iyon ang pagganap ni Chokoleit bilang baklang syokoy na si Pearly sa fantaseryeng Marina.
Sa Marso 16, Sabado, ang huling gabi ng lamay ni Chokoleit sa Cosmopolitan Funeral Homes sa Davao City.
Sa Linggo ay ike-cremate na ang mga labi niya.
Ang naka-schedule na ipalabas ng MMK sa Sabado nang 8:30 PM ay ang life story ng boksingerong si Ramon “The Bicolano” Gonzales, kung saan bida si JM de Guzman.
Nagkasama sina JM at Chokoleit noong Marso 9, Sabado sa Variety Show sa Bengued, Abra kaugnay sa Abrenian Kawayan Festival 2019.
Noong gabing iyon nalagutan ng hininga si Chokoleit.
NOEL FERRER: Kung hindi napagbigyan na i-replay sa Magpakailanman ang buhay ni Kristoffer King, abangan natin kung mapagbibigyan ang kahilingan mong ito, Tito Jerry.
Baka magandang special added attraction ang testimonials ng mga tao at eulogies nila, pati na ang special Big Night on Thursday (March 14) na tiyak magiging riot at memorable talaga, befitting of a true MNR... Mahal Na Reyna Chokoleit!
JERRY OLEA: Naunawaan ko na binale-wala ng Magpakailanman ang “wish ko lang” na i-replay ang episode na Bayarang Adonis: The Kristofer King Story, na pinagbidahan ni Aljur Abrenica.
Hindi Kapuso si Kristofer. Si Aljur ay Kapamilya na.
In fairness, tinulungan ng Wish Ko Lang si Joan “Nikki” Alegre, ang ina ng limang anak ni Kristofer.
Alaga ng ABS-CBN Star Magic si Chokoleit. Kapamilyang tunay.
Star Magic ang sponsor ng “big night” this Thursday, ang last night ng lamay ni Chokoleit sa isang punerarya sa Antipolo City.
Sapat ba ang pagpapahalaga ng mga Kapamilya para i-replay ang life story ni Chokoleit sa MMK?