Pinoy movies, patuloy ang krisis sa box office

Ulan, umarangkada sa mga kasabay na pelikula.
by PEP Troika
Mar 14, 2019
PHOTO/S: Courtesy of Viva Films

NOEL FERRER: Nagdurugo pa rin ang puso ng film producers at mga sinehan dahil sa low turn out ng mga manonood ng pelikulang Pilipino.

Nakaungos ang pelikula nina Nadine Lustre at Carlo Aquino na Ulan, na umabot ng P3-4M gross sa opening day, salamat sa Diyos.

As of March 14, Thursday, ay 200+ na ang mga sinehan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantalang ang Kuya Wes ni Ogie Alcasid ay below P25K in SM Cinemas at ang Neomanila ay below P15K sa SM Cinemas din.

Halos wala silang nakatalang record sa ibang sinehan na natanggal na sila.

The only hope is that palabas pa rin ang mga pelikulang nabanggit sa ilang sinehan at na-retain pa rin naman ang mga ito sa SM at Ayala theaters.

Sana, sana talaga... suportahan pa ito ng ating mga kababayan!

Kasama ng water crisis, puwede na rin bang ideklarang may movie industry crisis?

GORGY RULA: Sa totoo lang, matagal na tayong may crisis sa movies.

Mabuti na lang at may TV, pati digital, kaya nakakaraket pa rin mga artista.

Baka pumick up pa ang Ulan sa weekend dahil maganda ang feedback sa pelikulang ito nina Nadine at Carlo.

Abangan natin sa mga susunod na linggo ang iba pang pelikulang sana ay makabawi.

Andiyan ang Papa Pogi nina Ted Corpuz & Myrtle Sarrosa; ang Pansamantagal nina Bayani Agbayani & Gelli de Belen; ang Eerie nina Bea Alonzo & Charo Santos; at ang Maria ni Cristine Reyes na sinasabing mas maganda raw sa Buy Bust ni Anne Curtis at sa We Will Not Die Tonight ni Erich Gonzales.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA: Second week of showing pa lang ng marvelous blockbuster na Captain Marvel.

Palabas pa rin iyong Alone/Together, na as of March 13 ay naka-P370M na.

Sa pagkakabilang ko ay 34 lamang ang sinehan ng Neomanila noong opening day.

Iyong Liway, ML, at Kuya Wes ay pawang kalahok sa Cinemalaya 2018, kung saan top 2 sa takilya ang dalawang martial law movies.

Tapos na ang martial law nang ipalabas ang Liway at ML. Hindi sila nagpakita ng lakas at tibay sa wide release.

Kaya hindi ako umasa na aarangkada ang Kuya Wes.

Excited ako sa Hollywood movie na Avengers: Endgame na ipapalabas sa Abril 24.

Panonoorin ko rin sa mga sinehan ang Eerie.

Andaming palabas sa Netflix na gusto ko pang panoorin.

Kapana-panabik din ang 12-part series ni Arjo Atayde na Bagman, na mag-i-streaming sa iWant ang unang anim na episode sa Marso 20.

Kung aksiyon na mala-Polar o Narcos ang hanap mo, ang Bagman ay para sa ‘yo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo ang sabi ni Charo Santos sa Eerie presscon, “These are exciting times for cinema.”

These are times to separate wheat from chaff.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Courtesy of Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results