Xian Lim, willing idirek si Kim Chiu sa pelikula


GORGY RULA: Napabuntung-hininga at napangiti nang ubod tamis si Xian Lim nang kinumusta ko sa kanya ang idinirek niyang Cinemalaya entry.

Si Xian ang nagsulat (na may co-writer) at nagdirek ng pelikulang Tabon, tampok sina Ynna Asistio at Christopher Roxas kasama ang ibang theater actors.

Ang dami raw niyang natutunan at na-realize pagkatapos niyang i-shoot ang naturang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a completely different feeling… gaya nga ng nakuwento ko sa ‘yo, I’m so used to be being on cam, na being off cam is such na alam mo yung bagung-bago ang lahat.

“It really helps na nabago yung vision ko as the storyteller, as the director.

"Iba yung pakiramdam na parang nasa ibang level yung feeling,” pahayag ni Xian nang nakasabay ko siya sa isang political rally sa Libmanan, Camarines Sur, nitong Marso 13, Miyerkules.

Thankful siya dahil napaka-cooperative ng mga artista niya at ang production staff nito.

Pero talagang nahirapan siya bilang direktor, dahil lahat ng problema ay kailangang ayusin niya.

Hindi kagaya ng artista na umaarte lang sa harap ng camera, at pagkatapos nun ay wala na.

“Kasi, lahat na problema... ah, hindi naman problema, siguro obstacles. pero yung lahat na maliliit na bagay, yung weather, yung mga maliit na problema na dapat ayusin...

“Mahirap talaga siya, e. But, definitely, maski mahirap, alam kong gagawin at gagawin ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito ko lang nakuha yung term na ‘susuka pero hindi susuko,’” napapangiting pahayag ni Xian.

Sana, tanggapin daw itong pelikula niya, dahil gusto talaga ni Xian na makagawa ng kakaibang pelikula.

Umaasa siyang pagkatapos ng Cinemalaya movie niya, masusundan pa ng iba pang pelikula dahil marami pa raw siyang magagandang kuwento na gusto niyang isapelikula.

Mabilis ang sagot niyang “Why not?” nang tinanong namin kung gusto kaya niyang idirek si Kim Chiu sa isang pelikula.

Suportado raw ni Kim ang lahat ng ginagawa niya.

“I mean, up to now, we’re working separately but you know… I mean, kami-kami lang naman ang magtutulungan, e,” pahayag ni Xian.

JERRY OLEA: Siyempre, excited akong panoorin ang pelikula dahil si Xian ang nagdirek.

Mahuhusgahan natin kung may kakayahan siyang sumunod sa mga yapak nina Eddie Garcia, Eddie Rodriguez, Fernando Poe Jr., Laurice Guillen, Gina Alajar, at iba pang nagsimula bilang artista at kapagkuwan ay nagdirek ng mga pelikula, pero keri pa ring umakting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOEL FERRER: I wish Xian all the best sa kanyang mga bagong gawain, lalo na sa Cinemalaya.

Teka, usung-uso sa Viva ang nagsusunurang mga pares.

May Matteo & Sarah, Billy & Coleen, Paul Soriano & Alex Gonzaga (soon na ba si Toni).

Teka! Puwede bang sumunod si Kim kay Xian? We’ll see.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close