Gelli de Belen at Ariel Rivera, tanggap na iiwanan na ng mga anak

by PEP Troika
Mar 14, 2019
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Tanggap na raw ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen na silang dalawa na lang talaga ang magkasama at iiwanan na sila ng kanilang dalawang anak.

Mas gusto raw kasi talaga ng mga anak nilang sina Joaqui at Julio doon sa Canada para tapusin ang kanilang pag-aaral.

Continue reading below ↓

Si Joaqui ay nag-aaral sa pagka-piloto, at si Julio ay tinatapos ang kursong Kinesiology.

Bago mag-Holy week ay pupunta si Gelli sa Canada para ayusin ang paglipat ni Joaqui sa lugar ng training nito sa flying.

Tinatanong niya si Joaqui kung pagka-graduate ba nito ay babalik na ito sa Pilipinas.

Ayaw raw siyang sagutin ng anak dahil depende raw kung saan ito makahanap ng trabaho.

Pero ang isa pang anak nina Gelli at Ariel na si Julio, na magiging Kinesiologist, sa Canada raw talaga gustong manirahan at magtrabaho.

Yung kurso raw kasing Kinesiology ay puwedeng maging sports therapist ka, o kaya puwede ka nang tumuloy sa kursong medicine at maging doktor.

Kaya tanggap na raw nilang mag-asawa na silang dalawa na lang ang maiiwan sa Pilipinas dahil may kanya-kanya nang buhay ang kanilang mga anak.

"Alam mo, iyon na ang reality namin ni Ariel ngayon. Parang there’s emptiness, because kaming dalawa na lang ang magkasama sa bahay.

Continue reading below ↓

"Mabuti nga, nakaisip kaming kumuha ng aso," pahayag ni Gelli.

View this post on Instagram

Happy New Year!!!! #riverafantastic4

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen) on

Nakatsikahan namin si Gelli sa presscon ng pelikula niyang Pansamantagal, na magsu-showing na sa March 20.

Iyon na raw ang katotohanan ng buhay na kayong mag-asawa na lang talaga ang maiiwan, dahil kailangang hayaan mo raw na lumipad ang inyong mga anak.

Kuwento pa ni Gelli sa usapan nila ng asawang si Ariel, "Sabi ko nga sa kanya, talagang you really have to choose well.

"Choose your husband properly or your wife, kasi at the end of the day, pag may anak na kayo, pag malaki na sila, you’ll end up together, kayo pa rin, e.

"In the beginning kayo, in the end kayo."

Ayaw raw nilang manirahan sa Canada, dahil pirmi naman ang kanilang showbiz career dito sa Pilipinas.

Thankful si Gelli dahil may nagtitiwala pa sa kanyang magbida sa pelikula, kagaya nitong Pansamantagal, kung saan kasama niya sina Bayani Agbayani at DJ Chacha.

Continue reading below ↓

Nilikha ito ni Direk Joven Tan para sa Horseshoe Productions.

NOEL FERRER: Mahal ko ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen.

Paroo't parito sila sa Canada para sa kanilang mga anak. At least, may option silang ganoon.

Kung walang tubig dito at mataas ang presyo ng bigas, doon muna sila sa bayan ng bagets at guwapong Presidente!

Sina Ariel at Gelli ay hindi pansamantala... pangmatagalan talaga!!!

JERRY OLEA: Mabuhay ang matagal nang kasal! Sumainyo ang forever, ArGel!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results