Suportahan kaya ng AlDub ang Bagman ni Arjo Atayde?

Sa tingin niyo?
by PEP Troika
Mar 16, 2019
Magsisimulang ipalabas sa iWant ang Bagman ni Arjo Atayde sa Marso 20.
PHOTO/S: Noel Orsal, courtesy of iwanttv
JERRY OLEA: Uy, may sarili nang section ang Filipino Movies sa Netflix, kung saan 35 pelikulang Pinoy ang tampok!
Nasa Netflix pa rin ang series na Amo, na dinirek ni Brillante Mendoza. Bida rito sina Vince Rillon, Allen Dizon, Felix Roco, at Derek Ramsay.
Andiyan din ang lumang Malaysian series na Moving On, kung saan si Gary Estrada ang leading man.
"These are exciting times for cinema!" bulalas nga ni Charo Santos sa presscon kamakailan ng pelikulang Eerie, na nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Marso 27.
Sa Marso 29 ng 9:00 p.m., nakatakdang ipalabas sa iFlix ang online movie na Mystified.
Pasiklaban dito sina Iza Calzado, Sunshine Dizon, Karylle, Diana Zubiri, at Sunshine Dizon. Naunahan pa nito ang horror movie na pagbibidahan ni Kris Aquino, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.
"Okay lang po. Health po muna ni KCA ang importante," sabi ni Direk Adolf nang maka-chat ko nitong Marso 15, Biyernes ng gabi, sa Facebook Messenger.
Ang Pinoy counterpart ng Netflix at iFlix ay ang iWant ng ABS-CBN, na ni-relaunch noong Nobyembre 15, 2018, sa pamamagitan ng digital movie na Glorious, starring Angel Aquino and Tony Labrusca.
May bagong pasiklab ang iWant, ang 12-part series ni Arjo Atayde na Bagman.
Ang first six episodes ng socio-political action drama na ito, e, ipapalabas simula sa Marso 20.
Ang episodes 7 to 9 ay mapapanood simula sa Marso 27, at ang huling tatlong episode ay available umpisa Abril 3.
Siyempre, suportado ni Maine Mendoza ang project na ito ni Arjo. Susuporta kaya rito ang AlDub Nation?
NOEL FERRER: Nagmi-meeting ang movie producers tungkol sa pagtulong mapaangat ang box office showing ng Pinoy films. At ang itinuturong malaking factor ay ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa iFlix at Netflix, kaya kanya-kanya rin ang producers sa pakikipag-usap sa Netflix at iFlix para sa mas mataas na pagbenta ng kanilang film catalogue.
Ganun talaga! Parang binabantayan nila ang kanilang kikitain sa lahat ng platform kahit sabihin pang magkakatunggali at naapektuhan nito ang isa't isa.
GORGY RULA: Ang galing ng ABS-CBN dahil na-distribute nang husto sa digital ang mga pelikula nila.
Wala talagang kawala, dahil bukod sa Cinema One, napapanood din ang mga pelikula nila sa kanilang KBO sa TV Plus, meron din sa iWant, at ngayon, e, nasa Netflix na.
Lalo pa nilang pinapalakas ang kanilang iWant dahil marami nang digital films at series na mapapanood doon. Sabi ng ilan, paghahanda na kaya ito ng Kapamilya network sakaling hindi i-renew ng presidente ang kanilang franchise? Pero tingin ba ninyo, hindi talaga ito mare-renew?
Ewan ko lang, tingin ko, makukuha pa rin nila ang renewal niyan. Hindi naman siguro hahayaan ng ating Pangulo na maraming mawawalan ng trabaho.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magsisimulang ipalabas sa iWant ang Bagman ni Arjo Atayde sa Marso 20.
PHOTO/S: Noel Orsal, courtesy of iwanttv
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results