NOEL FERRER: Kung nabubuhay pa si Rico Yan, he would have turned 44 noong March 14.
He would have been the good leader that I may be campaigning for now.
Rico had all the makings of a good leader, not only for our industry but for our country.
Ang nakakatuwa niyan ay ang kabarkada niyang si Dominic Ochoa ay tatakbo ngayon bilang councilor ng Parañaque. Samantalang si Marvin Agustin ay namamayagpag bilang businessman with all his restaurants, habang may TV shows and pelikula on the side.
Both Dominic and Marvin are enjoying their good family lives now.
Pero ano itong pa-tribute ng ex-gf ni Rico na si Claudine Barretto, Tito Gorgy?
Bakit tila pinagkakaguluhan ngayon ng followers niya ulit? I remember, when Rico died on that uneventful Good Friday, kasama ni Claudine ang kaibigan din nating si Raymart Santiago sa Subic noon, di ba?
Pumanaw si Rico noong March 29, 2002.
GORGY RULA: Yun na! Yun ang ipinupunto ng ilang followers na nakabasa ng post na yun ni Claudine.
May ilang kumukuwestiyon sa caption niyang "My luv & my Life, always & forever" dahil ipinagpalit naman daw niya si Rico kay Raymart.
Kinorek ni Claudine ang nag-comment na iyun, na sinabi niyang wala pa sila ni Raymart bago namatay si Rico.
Pero alam daw nilang broken-hearted si Rico bago ito namatay, dahil sa ginawa ni Claudine.
Marami namang fans ni Claudine na nagtanggol sa kanya at kinuyog na nila iyung nam-bash na yun sa aktres.
Pero may ilang hindi kumbinsido. May isa pa ngang nagkomento ng, "...Dapat noon mo pa sinabi yan when he was still alive, your words don't matter anymore wala na yung tao."
Kanina lang ay merong post ulit si Claudine para kay Rico kung saan sinabi niyang, "In my heart every single day RY."
Meron tuloy isang follower na tila kilalang-kilala si Claudine, nag-condolence ito sa pagpanaw ng isang tiyahin niya. Bakit wala man lang daw itong nai-post na kuha sa pagpunta niya sa burol, samantalang meron pa raw siyang pa-tribute kay Chokoleit noong namatay ang komedyante?
Tingin po ba ninyo, genuine ang naramdaman ni Claudine sa post niyang iyun kay Rico, gaya nang masayang pagbabati nila ng ate niyang si Gretchen Barretto?
JERRY OLEA: Tumimo sa aking puso ang pahayag ni Gabriel Garcia Marquez sa nobelang Love in the Time of Cholera, "The heart's memory eliminates the bad and magnifies the good, and that thanks to this artifice we manage to endure the burden of the past."
Umalingawngaw sa aking diwa ang tagline ng LizQuen movie na Alone/Together, "Traydor ang mga alaala."
Kaya hindi ko na kukuwestiyunin kung ano si Rico sa puso ni Claudine.