Showbiz couple, di maaming nagkakalabuan na dahil sa endorsements


JERRY OLEA: Nagkakalabuan na ang showbiz couple, at alam ito ng malalapit nilang kaibigan, pero hindi nila ito maamin sa publiko.

May ineendorso kasing produkto ang mag-asawa, at bibitawan sila ng kumpanya kung maghihiwalay sila.

Makakasira iyon sa image na ipinu-project ng produkto.

Sa isang out-of-town fiesta na dinudumog ng mga turista, nakatakdang pumarada ang mag-asawa sa araw ng Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biyernes pa lang, pumunta na sa probinsya si mister kasama ang mga kabarkada.

Ang eklay ni mister, akala niya kailangan na siya sa promo at parada.

Mas mabuting andoon na siya.

Si misis, may mga trabaho pang kailangang asikasuhin, kaya Sabado ito sumunod sa probinsya.

Sa parada, kaway nang kaway si mister sa crowd.

Nagpapaka-sweet si misis kay mister—yumayakap, lumalandi, lalo na kung may mga sumisigaw, “Kiss! Kiss!”

Dedma si mister sa effort ni misis.

Halata ang panlalamig niya.

Matapos ang parada, nag-lunch ang grupo nila.

Hindi nagtabi ang mag-asawa.

Pagkatapos ng pananghalian ay bumiyahe na si misis pabalik ng Maynila.

Si mister, nagpaiwan.

Nagpalipas ng ilan pang oras bago umuwi.

GORGY RULA: Ayaw nina Pops Fernandez at Martin Nievera ng ganyan!

Hindi agad nila inamin sa publiko ang paghihiwalay dahil sa kontrata nila sa ilang endorsements.

Matagal na ring may pinagdaanan ang showbiz couple na ito, na muntikan nang pagkabuwag ng kanilang magandang samahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ending, nagka-baby pa nga!

Sana, bago mag-expire ang kanilang kontrata, maayos nila ang problema, mapanatili ang magandang career at ang magandang buhay.

NOEL FERRER: I know them, at saksi ako sa ilang episodes nila na napagwagian nila.

Sana, maipaglaban nila ang kanilang pag-ibig.

Together, they are winners. Individually, hindi ko masyadong sure.

At paglilinaw lang po, hindi po ito sina Juday at Ryan ha!!!

Lahat ho kami’y excited na ipagdiwang ang kanilang maligayang 10th anniversary next month.


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN